top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg
Search

ni Elyssa Nichole @Sports | May 13, 2026



Stage 13 Individual Time Trial Classification Podium Winners sina (gitna) 1. #91, Min, Kyeong Ho (SCT) (kaliwa) #123 Shulchenko, Nikita (LCW) at Filipino #52 Javiniar, Joseph (EXN) sa Tour of Luzon kahapon sa Lingayen, Pangasinan. (mptcpix) 

Photo: Stage 13 Individual Time Trial Classification Podium Winners sina (gitna) 1. #91, Min, Kyeong Ho (SCT) (kaliwa) #123 Shulchenko, Nikita (LCW) at Filipino #52 Javiniar, Joseph (EXN) sa Tour of Luzon kahapon sa Lingayen, Pangasinan. (mptcpix) 



  

Lingayen, Pangasinan - Sinigurado ni Korean rider Kyeong Ho ng Seoul Cycling Team na masisikwat nito ang panalo sa Stage 13 ng MPTC Tour of Luzon na nagsimula at nagtapos sa Lingayen Baywalk, dito kahapon.


Inirehistro ni time-trial specialist Min ang 25 minuto at 39 segundo sa 20 kms. Individual

Time Trial, pangalawang mabilis na oras ang may tangan ng yellow jersey na si Russian all-rounder Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycling team.


May 22 segundo ang lamang ni Min kay Shulchenko, dumating na tersero si Joseph Javiniar ng Excellent Noodles Cycling team habang pumang-apat si Nash Joshua Lim ng MPT Drivehub Cycling team.


Inamin ni Min na nadismaya siya sa resulta sa Stage 7 kung saan ay nangunguna siya sa oras at may 5 siklista na lang ang pumapadyak, pero inalat ang Tour of Korea champion dahil naungusan pa siya at lumanding sa 3rd place.


"I'm disappointed last time (Stage 7) I expect to win but this time I’m more fresh and I have more confidence," saad ni Min.


Hindi naman natinag sa tuktok ng Individual General Classification si Shulchenko nangunguna pa rin ito sa nalikom na 36 oras, 42 minuto at 22 segundo, isusuot niya ang Yellow Jersey ngayong araw pagkarga ng 181.80 kms. Stage 14 Lingayen - Baguio.


Nasa pangalawa sa IGC ang malupit sa akyatan na si Frenchman Antoine Huby ng 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines, 3 minuto at 50 segundo ang hinahabol nito kay Shulchenko. “There’s no relaxing yet. I will try my best to win,” ani  Shulchenko.


Naka-puwesto sa tersero ng IGC si Syrian cyclist Ibrahiem Yousef Alrefai ng LCW UAE Cycling team habang pang-apat si Lim.


Samantala, nanatili sa unahan ng Team General Classification ang 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines, pangalawa ang Go for Gold Philippines habang pangatlo ang Standard Insurance Philippines.      


 
 

ni Elyssa Nichole @Sports | May 6, 2026



ANG Stage 7 Individual Time Trial Podium Winners na sina 1. #123 Shulchenko, Nikita (LCW) 00:30:06 (gitna) 2. #126 Alrefai, Yousef Ibrahiem (LCW) (kaliwa) at 3. #91, MIN, Kyeong Ho (SCT) sa 22.9 km Pagudpud Municipal Hall-to-Bangui, Pagudpud, Ilocos Norte sa idinaraos na MPTC Tour of Luzon 2026 na inihatid ng Philippine Sports Commission kaagapay ang Philippine Olympic Committee at PhilCycling.     										   												(mptctolpix)

Photo: Ang Stage 7 Individual Time Trial Podium Winners na sina 1. #123 Shulchenko, Nikita (LCW) 00:30:06 (gitna) 2. #126 Alrefai, Yousef Ibrahiem (LCW) (kaliwa) at 3. #91, MIN, Kyeong Ho (SCT) sa 22.9 km Pagudpud Municipal Hall-to-Bangui, Pagudpud, Ilocos Norte sa idinaraos na MPTC Tour of Luzon 2026 na inihatid ng Philippine Sports Commission kaagapay ang Philippine Olympic Committee at PhilCycling. (mptctolpix)



Pagudpud, Ilocos Norte - Umalagwa sa overall si Russian rider Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycling Team matapos sikwatin ang panalo sa Individual Time Trial Stage 7 ng MPTC Tour of Luzon kahapon.


Inirehistro ni Shulchenko ang 30 minuto at anim na segundo sa 22.9-kilometer lap sa event na suportado ng Metro Pacific Tollways Corp., Manny V. Pangilinan Group of Companies at Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick "Pato" Gregorio.


Second best time naman ang naitala ng teammate ni Shulchenko na si Ibrahiem Yousef Alrefai, 49 segundo ang lamang ng una sa pangalawa, tumersero si Seoul Cycling Team bet at Stage 6 winner Kyeong Ho Min.


Pangalawang podium finish na ni Shulchenko, una ay noong pumangalawa siya kay Stage 1 ruler Alrefai.


Lalong lumaki ang lamang ni Shulchenko sa second placer na si Alrefai sa Individual General Classification matapos makalikom ng 19 oras, 31 minuto at 20 segundo, nakaungos ito ng isang minuto at 38 segundo.


Nagkaroon ng pagbabago sa pangatlong puwesto sa IGC matapos umakyat ni Pinoy rider Mervin Barnachea Corpuz ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines pero medyo malaki ang hahabulin na oras kay Shulchenko kaya kailangan nitong maka-umento sa mga susunod na laps.


Naka-puwesto naman sa pang-apat si Ronnilan Quita ng 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines habang pang-lima si British cyclist Tyler Hannay ng local team Excellent Noodles.


Ang dating nasa tersero puwesto na si  Emmanuel Dave Montemayor ng Go for Gold ay nalaglag sa pang 11th place.


Samantala, nanatili sa unahan ng Team General Classification ang Go for Gold sa nalikom na 77 oras, 13 minuto at 38 segundo, nasa pangalawa ang Standard Insurance Philippines at pangatlo ang 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines.

 
 

ni Elyssa Nichole @Sports | May 5, 2026



Napa-flex ng masel si Stage 6 Winner #91 Min Kyeong Ho ng Seoul Cycling Team nang unang dumating sa finish line sa oras na 05:13:12 nang matapos ang 228.80 km distance mula sa Tuguegarao City hanggang Pagudpud, Ilocos Norte.

Photo: Napa-flex ng masel si Stage 6 Winner #91 Min Kyeong Ho ng Seoul Cycling Team nang unang dumating sa finish line sa oras na 05:13:12 nang matapos ang 228.80 km distance mula sa Tuguegarao City hanggang Pagudpud, Ilocos Norte. MPTC



Pagudpud, Ilocos Norte - Nagpakitang gilas si Kyeong Ho Min ng Seoul Cycling Team matapos nitong tawirin ng mag-isa ang finish line sa Stage 6 ng MPTC Tour of Luzon 2026 na nagsimula sa Tuguegarao City at nagtapos sa Pagudpud Town Hall, kahapon.


Nagtala ng tiyempong limang oras, 13 minuto at 12 segundo sa 228.80 kms. si former Tour of Korea champion Min habang dumating na segundo ang may suot na green jersey na si Russian rider Ivan Anisimov ng LCW UAE Cycling Team.


Nagparamdam na rin si dating Ronda Pilipinas champion Ronald Oranza ng Standard Insurance Philippines matapos nitong tumawid na pangatlo sa meta.


Kasama sina Anisimov at Oranza sa malaking grupo ng siklista na dumating sa finish line, pumang-apat si Sanity Syahmi Mohd-Safee ng National Team Malaysia habang pang-lima si Ronnilan Quita ng 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines.


Ayon kay 29-anyos Min na wala sa plano niya ang bumanat sa stage 6 pero nakakita ito ng pagkakataon nang masilayan nitong pagod na ang kanyang mga kasabay sa event. 

Si Russian cyclist Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycling Team na kasama sa second goup ay tumapos ng 16th place pero mananatili sa kanya ang yellow jersey na isusuot ngayong araw sa 22.90 km Individual Time Trial (ITT) Pagudpud - Pagudpud race.


Nakalikom si Shulchenko ng 19:01:14, sapat upang manatili sa tuktok ng Individual general Classification, 49 segundong lamang sa teammate nitong si Yousef Ibraheim Alrefai. 


Dumating sa meta na pang-34th si Korean rider defending champion Joo Dae Yeong ng Gapyeong Cycling Team kaya naman nasa pang 20th siya sa IGC, naghahabol siya ng 3 minuto at 46 segundo.


Nasa pangatlo pa rin ng IGC si Pinoy cyclist Emmanuel Dave Montemayor ng Go for Gold.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page