top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hiyang-hiya raw sa mga kasama… CARLA, UMAMIN SA SAKIT KAYA GRABENG PAWISIN

  • BULGAR
  • May 13, 2021
  • 1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 13, 2021




Ang daming nai-share na trivia tungkol sa kanyang sarili ng Kapuso actress na si Carla Abellana. 'Yun daw ang mga bagay na hindi alam ng marami tungkol sa kanyang pagkatao.


Medyo may pagka-extremes nga raw ang ugali ni Carla. Kuripot siya, pero magastos. May ilang bagay na hindi niya basta ginagastusan at lagi siyang naghahanap ng best buy, pero bargain at hindi masyadong mahal. Pero, may mga pagkakataon naman na talagang naglalabas siya ng pera kapag necessity na ang bibilhin.


Hindi impulsive buyer si Carla. Matagal daw bago niya bilhin ang para sa kanyang sarili. Pero, hindi niya tinitipid ang regalo niya sa mga taong mahal niya at mga kaibigang matagal na naging bahagi ng kanyang buhay.


Minana rin daw ni Carla sa kanyang lola ang hilig sa mga horror movies. Ngunit sa totoong buhay ay takot siya sa multo at aswang.


May heath condition din siya na gusto niyang magamot at masolusyunan. Masyado siyang pawisin dulot ng sakit niyang hypothyroidism. Kaya 'pag nasa taping siya ay hiyang-hiya siya kapag sobra siyang pinapawisan.


Isa pang trivia ni Carla ay takot daw siyang matulog mag-isa sa kuwarto at ayaw niyang matulog nang walang ilaw at dapat ay bukas ang TV, pero walang sound.


Marami pang bagay-bagay na gustong i-share ni Carla kaya may part 2 ang trivia sa kanyang vlog.


Hindi naman ikinahihiya ni Carla na malaman ng publiko ang ilan sa mga personal na bagay sa kanyang buhay. Gusto lang niyang makilala ng lahat ang tunay na Carla Angeline Abellana.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page