HIWALAYANG RICHARD-SARAH, PINAGPIPIYESTAHAN
- BULGAR
- Nov 2, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | November 2, 2023

Umuusok ang balitang hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Labati sa social media.
Marami kasing napansing “unusual” ang mga netizens sa socmed accounts ng mag-asawa. At ang pinakamalaking duda nila ay nabuo nu’ng mag-isang rumampa si Richard sa ginanap na Opulence Ball.
Kilala bilang rampadora sa mga showbiz events ang mag-asawang Richard at Sarah na palaging magkasama. Kaya malaking question mark sa kanila ang absence at pananahimik ni Sarah in public at sa socmed.
“Bakit wala na po kayong photo together ni Sarah? Hiwalay na po ba kayo?”
“Napansin ko rin ‘to. Kinabahan na ‘ko mula nu’ng nagpalit ng PFP si Sarah sabay iba rin ng bio niya. Tapos ‘yun nga, hindi na siya supportive sa mga ganap ni Chard. Tinatanggal niya rin ‘yung tagged posts sa IG ‘pag ‘andu’n si Richard. Weird kasi nandu’n si Richard sa event nu’ng Casa Selma (based sa tagged pic kay Chard) pero hindi ipinost ni @sarahlahbati.
Parang pinagmumukha niyang walang support. Tapos, basta. Parang cryptic din posts niya.
Naalala ko ‘yung vid ng Barbie na ipinost niya sa Stories. Negative ‘yung content about men. Basta ganu’n.
Ang sad lang.”
Napansin din ng mga netizens na walang picture na ipinost ang mag-asawa noong birthday ni Sarah. Hindi rin kasama ni Richard ang misis sa ABS-CBN Ball.
Missing din si Sarah sa birthday celebration ni Annabelle Rama recently. At sa bagong contract signing ni Richard sa ABS-CBN, pawang ang mga kapatid niyang sina Ruffa at Raymond lamang ang nagsalita sa AVP presentation.
Hindi ba mas okey kung kasama si Sarah na nagbigay din ng mensahe for her husband sa video?
Ang duda pa ng mga netizens, either third party ang dahilan, career ni Sarah na natengga, pera o ‘di kaya ang bangayan daw ng mga magulang nila na noon pa man ay nabalitang ‘di na okey ang puwedeng maging dahilan ng tsikang hiwalayan daw nina Sarah at Richard.





Comments