top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hiwalay na talaga kay Kylie… KINUMPIRMA NI ROBIN: ALJUR, MAY KABIT!

  • BULGAR
  • Jul 9, 2021
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 09, 2021



Kinumpirma ni Robin Padilla na hiwalay na nga ang anak niyang si Kylie Padilla sa asawang si Aljur Abrenica.


Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz para sa YouTube vlog nito, cool na cool nga lang ang naging pag-amin ni Binoe tungkol dito, pati na ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa na diumano ay third party sa parte ni Aljur.


“Wala namang papel ang tatay du’n,” ani Robin.


“Hindi ka dapat makialam. Away ng mag-asawa ‘yan, eh. May mga anak pa. Masakit siyempre sa akin. Saka sa akin ang remembrance, eh. ‘Yung mga apo (ko), nasa nanay. Pero hindi issue sa akin ‘yun,” ani Binoe.


Basta ang tanong daw niya kay Kylie ay kung agrabyado ba ito at kung sinaktan ba ito ni Aljur dahil hinding-hindi raw siya makakapayag kapag may pisikalan nang nangyari.


“Ako, ‘yun lang naman ang sinabi ko kay Aljur, eh. Kasi tumatawag si Aljur sa akin, hindi ko sinasagot, minessage ko lang siya. Sabi ko, ‘Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya ‘yan!’" kuwento ni Robin.


Dagdag pa niya, sobrang nababaduyan siya sa mag-asawang nag-aaway sa social media dahil balang-araw ay makikita ito ng mga anak nila.


“Kasi dapat, sa akin, ha, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkasundo, hindi kayo dapat maghiwalay na magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo, nasarapan naman kayo pareho. Bakit kayo kailangang mag-away? Dahil ano'ng dahilan? Dahil nagtaksil ‘yung isa?


“Tao ka, mangyayari’t mangyayari ‘yan, hindi ‘yan puwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari, lalo’t nasa showbiz tayo,” sey ni Binoe.


Si Kylie raw ang nakipaghiwalay at diumano nga ay may ibang babae si Aljur. Na sabi nga ni Binoe ay hindi naman daw imposible ang bagay na ‘yun at naiintindihan nga raw niya ang manugang bilang lalaki rin siya at nangyari rin sa kanya nang maraming beses.


“Tanggapin natin ‘yun, wala na tayo ru’n. Kasi ako, ‘yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie nu'ng nag-usap kami. Sabi ko, ‘Lalaki ‘yang asawa mo, pasalamat ka nga, alam mong lalaki.’ Eh, wala, hindi raw niya kaya. Okay,” sey ni Binoe.


Muli ay sinabi niya na ibang usapan daw 'pag sinaktan ang anak niya.


“Hahantingin kita, Aljur, put**g ina. Huwag mong gagawin sa anak ko ‘yun, put**g ina. Hindi ko sinaktan ‘yang batang ‘yan. ‘Wag mong gagawin ‘yun, pare.


“Pero ‘yang mga ganyang baba-babae, natatawa pa ‘ko diyan,” sabi ng action star.

Mukhang maayos naman daw ang paghihiwalay ng dalawa dahil nag-uusap naman ang mga ito and in fact, last Father’s Day ay kasama ni Aljur ang mga bata.


Naniniwala si Binoe na may pagmamahal pa sa isa’t isa sina Aljur at Kylie at tulad ng ibang magulang, gusto rin niyang magkabalikan ang dalawa alang-alang sa mga bata. Pero sana raw ay huwag nang patagalin pa if ever at ayusin na agad.


Ayon pa kay Binoe, sina Aljur at Kylie lang ang puwedeng umayos ng marital problems ng mga ito at labas na silang mga magulang o ang ibang tao.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page