ALJUR, BITBIT ANG MGA ANAK NILA NI KYLIE NA EDAD 4 AT 2 SA BAR
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 18, 2021

Makabagbag-damdaming panoorin si Aljur Abrenica kasama ang dalawang anak nila ng wifey niya na si Kylie Padilla sa isang bar.
Nag-live sa kanyang Facebook page si Aljur kasama ang two boys niyang sina Alas at Axl habang naghihintay ng kanyang “set” sa nakasalang na banda sa bar.
Bago pa siya tawagin para umakyat sa stage, binabantayan ni Aljur ang kanyang mga anak na nagkukulitan at kapagkuwan ay nag-aaway.
Naalala tuloy ni Aljur noong mga bata pa sila ng younger brother niyang si Vin Abrenica.
Madalas din daw silang mag-away noon but best of friends paglaki.
Nakyutan ang mga netizens sa mga anak ni Aljur, at wish nila, sana raw ay kasama rin ni Aljur and kids si Kylie that time, habang ang iba ay nagwi-wish na magkabalikan ang mag-asawa.
“Sarap na magkakasama sa tuwina ang magkakapamilya. Nawa’y magkabalikan na kayo ni Kylie at nawa’y muli ninyong pag-alabin ang inyong pagmamahalan. Sumainyo nawang tahanan ang espiritu ng pag-ibig habambuhay.”
“Sana magkabalikan na kayo ng asawa mo, suyuin mo siya,” ang hirit ng ilang netizens.
‘Di nagtagal ay tinawag na si Aljur for his set. Iniwan niya sina Alas at Axl sa kanilang bantay.
Pero sinundan din siya ni Alas sa stage.
Paglapit ni Alas sa kanyang ama bago kumanta ay kinalong ni Aljur ang kanyang panganay sa kanyang hita.
Naka-kandong sa hita ni Aljur si Alas habang kumakanta. At pagkatapos ng dalawang kanta ay bumalik na si Aljur sa puwesto nilang mag-aama sa gilid ng stage.
May pumuna na netizen sa pagsama ni Aljur sa kanyang mga anak sa bar para maki-jamming.
“Dapat ‘wag istambay ang 2 bata d’yan dahil may inuman, ‘di magandang tingnan sa kanila, maliit pa, matutunan ‘yan na (mag)-jamming-jamming.”
Ano kaya ang reaksiyon ni Kylie at ama niyang si Robin Padilla na tumatakbong senador sa comment ng netizen?
Baka may taping si Kylie kaya na kay Aljur ang mga bata. O ‘di kaya naman, araw ni Aljur to be with his kids that time. Nagkataon lang na may gig si Aljur kaya isinama na ang kanyang mga anak.





Comments