top of page

Hiwalay na agad? FIANCE NA SI MEL, BURADO NA SA INSTAGRAM NI KRIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2022
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 03, 2022


ree


Wiz’ kasama sa family picture na ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Twitter account ang kanyang fiancè na si Mel Sarmiento.


Ang mga anak lang ni Kris na sina Joshua at Bimby ang katabi niya sa picture na may caption ng pagbati sa Bagong Taon.


Tweet ni Kris, “Happy New Year 2022. From Kris, Josh and Bimb to yours!”


May nagtanong agad sa comment section kung bakit hindi kasama sa picture si Mel.


“Happy New Year! Miss @KrisAquinoWORLD bakit wala si fiancé mo? Bakit hindi kasama sa pic?”


Kami man ay nagtaka kung bakit ‘missing in action’ si Mel sa picture, kaya sinilip namin ang Instagram ni Kris.


Hala! Hindi na namin makita ang mga posts ni Kris with Mel. Ang layo na rin ng pagitan ng date ng mga posts ni Kris sa kanyang IG.


At kapansin-pansin din ang bagong profile picture sa IG at Twitter ni Kris. Dati kasi, sa aming pagkakatanda, picture nilang dalawa ni Mel ang nasa profile picture ng kanyang socmed accounts.


Burado ang mga nai-post na pictures and videos ni Kris sa kanyang IG from the first time na lumutang ang relasyon nila ni Mel hanggang sa insidente ng “pagkayamot” niya sa tweet ng admin ng account ni Herbert Bautista, ang kanyang ex-boyfriend, at pagtatanggol sa kanya ni Mel.


Anyare?


May naganap bang hiwalayan during the holiday season between Kris and Mel?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page