top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Hiwalay na after 9 yrs… JERICHO AT KIM, FOR SALE NA ANG MGA ARI-ARIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 11, 2024



Marami ang nanghihinayang sa paghihiwalay nina Jericho Rosales at Kim Jones. Nine years ding tumagal ang kanilang relasyon pero hindi sila sinuwerteng magkaanak.


Two years nang nababalita na may problema ang kanilang marriage, pero ngayon lang naging open sa publiko matapos maging paksa ng mga blind items sa showbiz circle.


Noong una ay very supportive naman sina Echo at Kim sa career ng isa't isa.


Nakapagpundar din sila ng kanilang dream house na ngayon ay balak nilang ibenta.


Maging ang iba pa nilang conjugal properties na naipundar ay balak na rin daw nilang i-dispose.


May career sa modeling si Kim Jones at isa rin siyang interior designer. Si Jericho naman ay gusto raw i-pursue ang kanyang matagal nang pangarap na maka-penetrate sa Hollywood.


Well, kung si John Lloyd Cruz ay nag-semi-retire sa showbiz nang mapagod at ma-burn out sa kanyang trabaho bilang aktor, iba ang gusto ni Jericho kaya hindi siya gaanong aktibo ngayon sa paggawa ng local movies. Gusto ni Jericho na subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood upang makatrabaho ang ilang Hollywood stars.


Well, hindi naman masamang mangarap kung 'yun ang makakapagbigay ng fulfillment kay Jericho. Sana nga, suwertehin siya at mabigyan ng break sa Hollywood. For sure, paghahandaan niya ito bago siya sumabak sa kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page