Hiwalay kay Joshua na hapi na sa Tarlac… KRIS AT BIMBY, SA PROBINSIYA NA TITIRA

ni Nitz Miralles - @Bida | February 5, 2021

Sa probinsiya na muna titira sina Kris Aquino at Bimby at in-announce ito ng aktres sa Instagram.
Sabi pa ni Kris, birthday gift niya sa sarili ang pagtira sa probinsiya, sa isang beachfront house na inupahan na nila for six months.
“Yes, sa probinsiya kami titira... lalayo muna kami sa NCR,” sabi nito.
Nabanggit din ni Kris na hindi na sila nakatira sa bahay nila sa Greenmeadows, kaya pala nakalagay pa rin sa location ng Instagram niya na “BGC.”
Matatandaang sinabi ni Kris na nu'ng December last year, sasabihin niya kung bakit hindi na sila nakatira sa Greenmeadows, pero hindi na niya nagawa.
Sa isang service apartment sa BGC sila nakatira ni Bimby for seven months na nga at pag-alis nila sa service apartment, diretso na siguro sila sa uupahang beachfront house. Hindi pa nabanggit ni Kris kung saang probinsiya sila titira, pero maaalalang sa isang post, tila naghanap siya ng beachfront house sa Bataan.
Hindi yata makakasama nina Kris at Bimby ang panganay niyang si Josh sa pagtira sa probinsiya dahil sa Tarlac na ito nakatira.
“Babalik lamang ako sa Central Luzon every 6 weeks para ma-check si Kuya Josh na nahanap na ang true happiness niya sa Tarlac,” patuloy ni Kris.
Health reasons ang rason ni Kris kung bakit sa probinsiya muna siya titira.
“Pinili kong lumayo muna sa city living dahil habang may pandemic, kailangan, mas lalo ko pang pag-ingatan ang kalusugan ko.”
“Kuya Josh and Bimb will always remain the greatest priorities of my life, but I can only give them my love and their much-needed sense of security if I do everything I can to protect my health especially because we all know my immunity is compromised because of my autoimmune condition,” pahayag ni Kris.





Comments