Hitsurang niyaya na raw ng kasal… RICHARD, SINORPRESA SI BARBIE SA KUWARTO
- BULGAR
- 10 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 22, 2026

Photo: IG _msbarbieimperial
Ang sweet ni Richard Gutierrez sa girlfriend na si Barbie Imperial.
Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram (IG) Story ang ginawa ni Chard na pinuno ng napakaraming bulaklak, balloons at mga candles ang kanyang kuwarto.
“Thank you,” ang simpleng caption ni Barbie.
Sa isang thread sa social media, may mga netizens na naghinala na baka nag-propose na si Richard kay Barbie. Pero may mga kumontra rin at sinabing hindi pa annulled ang kasal ng aktor sa estranged wife na si Sarah Lahbati.
May nagsabi naman na baka anniversary ng dalawa.
Pero may okasyon man o wala, marami ang kinilig sa sweet gesture na ito ni Chard kay Barbie.
“Ang haba ng eyelashes n’ya. I find this romantic,” sey ng isang netizen.
Ang iba naman ay napa-‘sana all’ at pinuri ang pagiging thoughtful ni Richard Gutierrez.
Not once but twice pa…
DOMINIC AT MISIS, NA-SCAM NG HALOS P300 K
DALAWANG beses nang na-scam online si Dominic Ochoa at malaki-laki rin ang halagang nawala sa kanya na hindi na nila nabawi.
Sa mediacon ng Taskforce Firewall (TF) kamakailan, natanong ang cast kung naranasan na rin ba nilang maging biktima ng scam at iba pang panloloko online. Tumatalakay kasi ang nasabing serye sa talamak na cybercrimes sa bansa.
Sey ni Dominic, “Yes, I personally experienced it noong 2020. ‘Di ko makakalimutan ‘yun. It was January 2020, credit card fraud, it was P60,000.”
Kasunod nito, noong 2021, ang kanyang misis naman ang nabiktima ng phishing (panlilinlang online upang makuha ang personal na impormasyon).
“It was around P230,000. At the end of the day, we ended up the whole day calling people, going to the police station, we even went to Camp Crame, NBI (National Bureau of Investigation), and nothing happened,” kuwento ni Dominic.
Kaya nang malaman niyang makakasama siya sa TF, ikinatuwa niya ito dahil kahit papaano ay magiging bahagi siya ng pagtaas ng awareness ng publiko tungkol sa cybercrimes.
“When we talk about cybercrime, mas marami pang malalaking organisasyon abroad ang target ang maraming tao, ‘di lang pera, pati mga bangko.
“Gaya nga ng sinabi kanina ni Direk, mahirap, pinaghirapan natin ‘tong perang ‘to, ‘di naman natin ‘to ninanakaw,” saad ng aktor.
Simula noon ay naging maingat na sila ng kanyang asawa at hindi na basta-basta nagtitiwala sa text o tawag mula sa hindi kilalang tao.
Mensahe niya sa publiko, “‘Wag tayong magpapaloko. Ingat po tayo, ‘wag magbibigay ng OTP (one-time password) ‘pag ‘di natin pinagkakatiwalaan.”
Gustong makasal sa tamang tao…
RICO, UMAMING INIYAKAN SI MARIS
SA kabila ng kanyang edad, single pa rin ang singer-songwriter na si Rico Blanco at inamin niyang akala niya ay tatanda siyang mag-isa.
“There was a time when I resigned, parang I knew that being single was the best setup for me. But that was a long time ago. And then I had a relationship after that,” pahayag ng singer-actor sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
“Right now, I’m single, but I’m open to not being single,” deklara pa niya.
Hindi rin sarado ang kanyang pintuan sa pagpapakasal at bukas siya sa posibilidad ng pagkakaroon ng asawa.
“It’s still a possibility for me. But I suppose it has to be with the right person because I’m at the age where I don’t have to get married.
“I understand for some people they have to get married. Right now I don’t have to get married. So if I am going to get married, it has to be the right person,” aniya.
Hindi rin siya pine-pressure ng kanyang pamilya o mga kaibigan tungkol dito.
“I don’t know, they don’t say it to my face,” natatawa niyang sabi.
Pahabol niya, “Nobody does.”
Dugtong pa niya, “Maybe because they also see I’m trying. They’ve seen me in relationships, trying each time, and being broken each time it doesn’t work.”
Nang tanungin kung umiyak na siya dahil sa pag-ibig, aniya, “Oh, all the time.”
Matatandaang ang huling kinumpirmang naging girlfriend ni Rico Blanco ay ang aktres na si Maris Racal. Naghiwalay sila noong 2024.

