Hirit ni Pangalangan na dededmahin lang ng ICC pagpapalaya at pagpapauwi kay FPRRD sa ‘Pinas, bad news sa DDS
- BULGAR

- Jul 22
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 22, 2025

‘PRRD BILL’ NI SEN. IMEE MARCOS AT PAG-APRUB NI PBBM, MAGSASALBA KAY SEN. DELA ROSA PARA HINDI MAKULONG SA ICC JAIL -- Sunud-sunod ang statement ni Executive Sec. Lucas Bersamin patungkol sa napipintong pag-issue ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald Dela Rosa.
Una, sabi ni ES Bersamin na kapag may warrant of arrest na mula sa ICC ay ipapatupad ito ng Marcos administration, at pangalawang statement, na kesyo wala raw ipapairal ang pamahalaan na special arrest sa senador.
Dalawang Marcos ang tanging pag-asa ni Sen. Dela Rosa para hindi siya maaresto at makulong sa ICC jail sa The Netherlands. Una, ang panukalang batas ni Sen. Imee Marcos na tinawag niyang “PRRD (Pres. Rodrigo Roa Duterte) Bill” na nagbabawal arestuhin at ikulong sa ibang bansa ang mga Pilipino ng walang pahintulot ang korte ng Pilipinas, at kapag ang batas na ito ng senadora ay inaprub o nilagdaan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), lusot na, ligtas na sa pagkakakulong sa ICC jail si Sen. Dela Rosa, period!
XXX
BAD NEWS SA MGA DDS ANG SINABI NI RET. ICC JUDGE PANGALANGAN NA DEDEDMAHIN LANG NG ICC ANG SENATE RESOLUTION NA PAGPAPALAYA AT PAGPAPAUWI KAY FPRRD SA ‘PINAS -- Sinabi ni Lawyer-Professor Raul Pangalangan, retired judge ng ICC na "no value" o walang halaga raw ang isinusulong ng Senado na pagpapalaya kay former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) mula sa pagkakakulong sa ICC jail.
Bad news iyan sa mga Duterte Diehard Supporters (DDS) kasi gustung-gusto na nilang makauwi sa ‘Pinas si FPRRD, pero mismong retired judge na ng ICC ang nagsabing kahit lahat ng senador ang lumagda para palayain at maiuwi na sa ‘Pinas ang dating presidente ay dededmahin lang ito ng ICC, tsk!
XXX
MAI-STRIKE 2 NG SC SI PBBM KAPAG INAPRUB NIYA ANG POSTPONEMENT NG 2025 BSKE -- Mas malamang na i-veto ni PBBM ang panukalang postponement sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa December 1, 2025.
Sigurado kasing nakatatak na sa isip ni PBBM na napahiya siya sa unang batas na kanyang pinirmahan noong pagkaupo niyang presidente ng ‘Pinas, at ito nga ay iyong pag-aprub niya at paglagda niya noong Oct. 10, 2022 sa BSKE 2022 postponent na nakatakda sana noong Dec. 5, 2022 dahil sinupalpal siya rito ng Supreme Court (SC) na nagsabing unconstitutional o labag sa batas ang nilagdaan ng presidente na nagpapaliban sa anumang halalan sa bansa.
‘Ika nga, para hindi ma-strike 2 ng SC at muling mapahiya sa taumbayan, kaya mas malamang na i-veto ni PBBM ang postponement ng BSKE 2025, boom!
XXX
OKS LANG IPAGTANGGOL NI SEN. JINGGOY ANG MGA CELEBRITY NA ENDORSER NG ONLINE GAMBLING KUNG LEGAL AT MAY PERMISO SA PAGCOR ANG INIENDORSO, PERO KUNG ILLEGAL DAPAT SILANG KASUHAN -- Ipinagtanggol ni Sen. Jinggoy Estrada ang mga celebrity na endorser ng mga online gambling.
Kung ang iniendorsong online gambling ay legal at may permiso ng Pagcor okey lang ipagtanggol sila ni Sen. Jinggoy, pero kung illegal online gambling ang iniendorso ng mga celebrity, bad ‘yan at sa halip na ipagtanggol, ang dapat gawin ng senador ay irekomenda silang sampahan ng kasong illegal gambling, period!







Comments