top of page

Hirit ni Herbert, magkaibigan lang sila… RESBAK NI RUFFA: WALA AKONG INAAMING BOYFRIEND!

  • BULGAR
  • Apr 8, 2022
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 8, 2022



Parang young love team na inaabangang umamin ang ganap kina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista dahil talaga namang naiintriga ang mga Marites kung ano ba ang real score sa kanila.


Matapos kasing sabihin ni Ruffa ilang linggo na ang nakararaan na "No. 1 sa puso niya" ang rumored boyfriend, ngayon ay tila nag-iba na ang tono ng former Miss World.

Kinorek ni Ruffa ang lumabas na fake news na meron siyang kambal na anak at boyfriend sa katauhan ng senatoriable na si Bistek.


Ipinost ni Ruffa sa kanyang social media account ang kumakalat na fake news sa online na may pa-gender reveal na twins ang ipinagbubuntis niya courtesy of course ni Herbert.


At ang kiyeme pa, ‘di raw makapaniwala si Bistek na kambal ang babies nila ni Ruffa.

Paglilinaw ni Ruffa, ‘di siya nagdadalantao, hindi siya nagpakasal, hindi siya nakunan at wala siyang sinabi na may boyfriend siya.

Sa caption ng ipinost ni Ruffa ay mahinahon at ‘di pataray ang mensaheng inilagay niya.

Aniya, “After the 75th call from a Marites, let me set the record straight.


“I am not pregnant with twins. I never got married. I did not have a miscarriage. I did not admit to having a boyfriend.”


Sa huling bahagi ng kanyang caption ay ini-reveal niya kung sino ang kanyang iboboto sa nalalapit na halalan.


“The only REAL NEWS is: #8 sa Senado ang iboboto ko dahil #1 siya sa puso… natin lahat!”


May pa-hashtag pa si Ruffa na #BistekMatinik at #MySenatorMadeItToTop12. Ang source ni Ruffa ay ang lumabas na Pulse Asia survey.


Reaction ng mga netizens sa paglilinaw ni Ruffa ay both positive and negative kahit na ang sweet-sweet na ng caption niya, ha?


“Aysus, deny to death pa si Ropa. For sure, jowa reveal na 'yan 'pag nakapasok si H sa Senado. Lol!”


“So HB na-deny ka! Bwahahaha!”


“O, wala naman palang boyfriend, eh, ba't affected?”


It’s a tie naman, ang sabi ng ibang netizens, dahil 'di rin naman daw siya inamin ni Bistek at ang hirit lang ng senatoriable, magkaibigan sila ni Ruffa.


“Never din naman siyang inamin ni HB.”


“Na-hurt yata si Ruffa kasi sabi ni Herbert, one true love niya 'yung nasa Tarlac. And BTW, ang caption niya #1 sa puso ko.”


“Ang daling sabihin na I do not have a boyfriend pero ang sabi niya 'I did not admit to having a boyfriend.' So, malamang, sila nga. Just not confirming or denying.”


Tumpak!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page