top of page
Search
  • BULGAR

Hirit ni Cong. Tulfo, CALABARZON, illegal gambling capital ng 'Pinas

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 16, 2024



CALABARZON NA NASA JURISDICTION NI GEN. LUCAS, ILLEGAL GAMBLING CAPITAL NG ‘PINAS -- Kahit nagkaroon na ng imbestigasyon ang House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Laguna Rep. Dan Fernandez tungkol sa talamak na illegal gambling sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) ay patuloy pa rin ang “tongpats” collection ng isang nagpapakilalang pulis na si alyas “Tsan Parak,” na ibig sabihin ay hindi pa rin natitigil ang raket ng mga gambling lord sa mga probinsyang ito.


Dahil d’yan ay masasabing tama ang sinabi noon ni ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na illegal gambling capital of the Philippines ang Calabarzon na nasa ilalim ng jurisdiction ni PNP-Region 4-A Director, Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, period!


XXX


HINDI NA MAGIGING RICE SUFFICIENT ANG ‘PINAS KASI ANG MGA BUKIRIN, TINAYUAN NA NG MGA SUBDIVISION -- Inanunsyo ni Dept. of Agriculture (DA) spokesman, Asec. Arnel de Mesa na itataas na ng kagawaran ang presyo ng palay ng mga magsasaka, na iyong dating presyong P23 per kilo ng dry and clean ay magiging P30 na, at ang fresh palay naman na mula sa dating presyong P19 per kilo ay magiging P23 per kilo na.


Bagama’t good news iyan sa mga magsasaka at tiyak na sisipagin sila sa pagtatanim ng palay ay hindi pa rin magiging rice sufficient ang Pilipinas kasi nga, kakaunti na lang sa mga probinsya ang may mga taniman ng palay dahil ang mga sakahan o bukirin ay tinayuan na ng mga subdibisyon, boom!


XXX


TILA MAY IMPORMASYON SI EX-P-DUTERTE NA AFTER NG 6 YEARS, MAGKAKAPIT-TUKO SA PUWESTO SI PBBM -- Muling binalaan ni ex-P-Duterte si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na pagkatapos ng 6 years term nito ay dapat bumaba na ito sa Malacañang at huwag nang piliting manatili sa puwesto para hindi magkagulo sa ‘Pinas.


Siguro, may nakuhang impormasyon si ex-P-Duterte na after ng term ni PBBM ay magkakapit-tuko pa rin ito sa puwesto kaya panay paalala at babala ang ginagawa ng ex-president sa Presidente na 6 years lang ang termino ng pangulo ng bansa, period!


XXX


KUNG TOTOO ANG IBINULGAR NI GLENN CHONG NA NAGKADAYAAN NOONG 2022 ELECTION BAKA MAG-PEOPLE POWER ANG MGA ‘KAKAMPINK’ AT ‘DILAWAN’ PARA PABABAIN SA PUWESTO SI PBBM -- Ibinulgar ni former Biliran Congressman Glenn Chong na hindi umano legitimately elected president si PBBM dahil bago raw maganap ang 2022 election ay nagkaroon daw ng pakikipag-meeting si First Lady Liza Araneta-Marcos sa may-ari ng Smartmatic. 


Kung makapaglalabas ng ebidensya si Glenn Chong sa kanyang ibinulgar na nagkadayaan sa nakalipas na halalang pampanguluhan, malamang mag-people power ang mga ‘kakampink’ at ‘dilawan’ para pababain sa Malacañang si PBBM at si former Vice Pres. Leni Robredo ang iluklok kasi siya ang rank 2 sa nakalipas na 2022 presidential election, abangan!


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page