top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hirit ni Chavit: Pacman, waldas, sure na bankrupt after election

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 22, 2021





Masalimuot ngayon ang political career ni Sen. Manny Pacquiao. Simula nang magdeklara siyang tatakbo sa pagka-pangulo ng bansa, kabi-kabilang batikos ang inaabot niya.


At nadagdagan ang kanyang problema nang akusahan niya ng corruption ang iba't ibang ahensiya ng gobyerno at batikusin mismo si Pangulong Rodrigo Duterte.


Pati ang dati niyang BFF at kumpareng buo na si Mayor Chavit Singson ay kanya ring inilaglag at tinalikuran.


May mga bago ngayong grupo na nagmamaniobra at 'bulong brigade' ni Pacman. Tuluyan nang nabalewala ang mga dati niyang trusted friends.


Mabigat din ang akusasyon sa kanya ng dating BFF na si Jayke Joson tungkol sa commitment o laban na hindi natuloy. Nabigyan na raw ng malaking downpayment ang Pambansang Kamao pero 'di tinupad ang kontrata.


Pero, mas matindi ang naging statement ni Mayor Chavit. Dahil daw sa walang direksiyon na pagwawaldas ng pera ni Sen. Pacquiao, tiyak na bangkarote na siya pagkatapos ng 2022 elections.


At marami pa raw utang si Pacman na hindi nababayaran. Kung may mga negosyo siyang itinayo sa GenSan, lugi naman daw ang mga ito at hindi kumikita.


Hindi raw marunong mag-manage ng negosyo ang People's Champ. Dahil dito, mauubos lahat ng kanyang mga naipundar na galing sa kinita niya sa boxing.


Labis na nag-aalala at nanghihinayang ang dati niyang BFF na si Mayor Chavit Singson.


Kung hindi pa kikilos ngayon si Pacman, tiyak na malaki ang mawawala sa kanya.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page