Hirit ng netizens, pinabayaan na ang sarili… ANDI, WALANG PAKI KAHIT ANO'NG HITSURA NIYA BASTA HAPPY DAW
- BULGAR
- May 28, 2024
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 28, 2024
May pa-soft launch si Kylie Verzosa ng kanyang boyfriend in her recent TikTok video.

Sinagot ni Andi Eigenmann ang mga bashers niya na nagsasabing pinabayaan na niya ang sarili at hindi na nag-aayos.
Ipinost ng aktres ang kanyang iba’t ibang OOTD (outfit of the day) sa Siargao. Makikita rito na simpleng-simple lang ang kanyang pananamit na madalas ay naka-t-shirt and shorts lang or ‘di kaya’y naka-swimwear lang.
Ayon sa caption ni Andi, kahit pa sabihin ng mga haters niya na pinabayaan na niya ang sarili, dito raw siya komportable.
“Hat3rz (haters) would say, ‘Pinabayaan ang sarili, hindi man lang mag-ayos.’ I would say… ‘Komportable chic, or Qrated pangbahay realness!’Pretty much the only thing I don't do on purpose is forget my slippers,” sey ng celebrity wife and mom.
Inayunan naman si Andi ng kanyang mga supporters at pinayuhang dedma na lang sa mga bashers.
Narito ang ilan sa mga positive comments:
“Hahaha! I mean, you look great either way. So, why bother?”
“Doesn't matter what you wear, It’ll always look hip and chic and you are such a natural beauty, so effortless no matter what!!!”
“Love all the looks po!”
“If it’s okay to be naked, I will be all the time with messy hair but a heart full of happiness, contentment and peace. Some people will never understand us, especially when it’s coming from the ego.”
“Pretty ka naman Ands kahit ano suot mo (smile emoji), haters gonna hate. Tumirik pa mga mata nila.”





Comments