HIRIT NG NETIZENS: IG NI GRETCHEN, IPINATANGGAL DAHIL SA SABONG
- BULGAR
- Nov 30, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 30, 2021

Burado na ang Instagram account ni Gretchen Barretto at palaisipan sa mga netizens ang pagkawala ng IG account ng aktres.
Pinaghihinalaan ng mga Marites sa socmed na may kinalaman ito sa pagiging “sabungera” ni La Greta.
“Baka maraming nag-report kasi may sabong vids.”
“Baka kasi she’s so into blood sport, eh, that's animal cruelty, so tinake down ng IG. Buti nga.”
“Malamang. Para kasing ini-endorse niya ang pagsasabong which is one form of gambling.”
Duda ng iba, mismong si Gretchen ang nag-delete ng kanyang IG account.
“Puwede bang mawala lang 'yung account na hindi pinindot 'yung delete? Parang malabong mangyari 'yun lalo na't madaming followers si Greta. 2 scenario lang 'yan, either in a fit of rage or on a whim, Greta herself deleted her account then regretted doing so afterwards or na-hack siya and 'yung hacker, nag-press ng delete account button.”
“It's not that easy to delete an Instagram account, it takes 30 days to go into effect.”
“This happened to my boss’ account. It takes time and effort to retrieve it back unless you have an IT expert.”
‘Yun naman pala, may pa-benefit of the doubt din ang ilang netizens sa pagkawala ng IG ni Gretchen.
“Disabled ng IG by mistake siguro, puwede pa naman siyang ma-recover.”
“May link naman sa support page, paimportante, instead na mag-message directly.”
May tsika naman kaming nasagap na baka nag-down ang IG ni La Greta dahil sa dami ng nagta-tag na posibleng may kinalaman sa kanyang “love box ayuda".
Natawa naman kami sa nag-post ng comment na baka raw ang longtime partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco ang nagpatanggal.
“Maybe Dada finally shut it down.”
“Dada kasi nang dada.”
Pero mas naaliw naman kami sa comment ng netizens kung sino pa ang pinaghihinalaan nila na may kagagawan ng pagkawala ng IG ni La Greta.
“Prime suspect ko 'yung mga hindi niya pinadalhan ng ayuda box. Haugh! Haugh!”
“May bitter na hindi napadalhan ng Gretchen Barretto ayuda box.”
Ganern?





Comments