HIRIT NG NETIZEN: COCO AT JULIA, AAMIN LANG 'PAG KAEDAD NA NINA EDU AT CHERRY PIE
- BULGAR
- Dec 14, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 14, 2021

Nagkasiyahan ang buong cast ng FPJ's Ang Probinsyano. Ipinost ni Sharon Cuneta ang kuha nilang video kung saan naroon din ang pinakabida na si Coco Martin a.k.a. Cardo Dalisay at ang leading lady na si Julia Montes a.k.a. Mara.
Sa video ay huling-huli ng camera na nakaakbay si Coco sa rumored girlfriend.
Komento ng netizen sa relasyon ng CocoJuls, "What you see is what you get talaga peg nila.
Parang PBB teens lang. Aamin lang sila 'pag magiging Edu and Cherry Pie levels na age ng dalawa."
Okey lang naman daw kung hindi inaamin ng rumored celebrity couple ang totoong relationship nila.
"Love their relationship, 'di masyadong show-off like big celebs such as Eddie Garcia. Not that they are hiding, but they prefer privacy which narrow-minded people cannot comprehend.
People always say Coco is not proud of Julia but I doubt it because the showbizlandia is well aware that they are an item."
"Ba't ba kasi pinoproblema ng iba if aamin 'tong dalawa na 'to. Hindi naman makakaapekto sa buhay natin kung sila o hindi, lol."
"Ang payat na ni Shawie! Bongga! For Coco at Julia, wala naman yata silang obligasyon na ipaalam sa ating lahat na mag-asawa na sila."





Comments