top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HIRIT NG KAMPO NI HEART: PIA, MUKHANG OUT OF PLACE SA FASHION EVENT ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2024
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 4, 2024





Ayaw matigil ang comparison ng mga faney nina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista kung sino ang mas sikat sa dalawa pagdating sa rampahan. 


May panibagong pinagdidiskusyunan ang magkabilang kampo dahil muli na namang nabigyan ng importansiya ang 2015 Miss Universe dahil kasama siyang nakaupo sa front row along with A-List celebrities during Dior show abroad. 


Ang mga netizens na pabor kay Heart ay nagkomento ng: "Pero bakit parang outcast pa din? I mean walang kausap lagi, unlike Hearty."


"Language barrier lol (laugh out loud)," wika ng isa. 


May pumalag, "At sinong mga the who naman kausap ni H?"


"Na-pressure sila na ilabas ‘to kasi nakita siya kasama nu’ng isang Heart wannabe sa Balmain na nasa likod lang sila. ‘Pag singilan talaga ng resibo, tumitiklop mga followers niya. Biglang ang idadahilan, impact.”


"Ayan na ebidensiya ru’n sa nagsabing ‘di raw front row seat si Ateng Pia n’yo! Lol!"


Pero kung may pinagsasabong ang dalawa, may mga positive comments naman.


“Good at 2 sila ni Heart ang Pinay na kilala na international models.”


“Grabe! Sa halip na maging happy na lang, parang pinagsasabong pa!”


“Maging happy na lang lahat tayo, proud Pinoy.”


"Bakit kasi pinagsasabong ang dalawa? We should be proud na marami nang Pinoy ang nakikilala sa fashion week. Ang mga nakapaligid lang naman sa kanila who are gaining something ang mahilig mag-issue ng kung anu-ano, eh."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page