top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hipon Girl, kaya raw nilait-lait ni Miss Manila, Willie… "NAPAG-UTUSAN LANG PO AKO" — ALEXANDRA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2020
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 23, 2020




Hindi namin alam kung sino ang nagsasabi nang totoo sa pagitan nina Hipon Girl Herlene Budol at Miss Manila Alexandra Abdon.


Una kasing lumutang ang balita na masama raw ang loob ng co-host ni Kuya Willie Revillame sa Wowowin kay Miss Manila dahil nilait-lait daw siya nito sa isang event ng Frontrow. Nagsumbong pa nga raw si Hipon Girl kay Kuya Wil dahil nainsulto siya sa mga binitiwang salita ni Alexandra.


Pero sa pakikipagpalitan ng mensahe ni Miss Manila sa isang netizen sa socmed na nag-comment kung bakit ang baba ng tingin niya kay Hipon Girl, ang naging paliwanag ni Alexandra ay "napag-utusan" lang daw siya at ginawa lang daw niya ang trabaho niya.


Nagkasama na rin kasi sa Wowowin bilang co-hosts ni Kuya Wil sina Hipon Girl at Alexandra at sa sagot ng beauty queen, parang sinasabi niyang scripted lang ang panlalait niya kay Herlene.


Hala, eh, teka muna, kung totoo 'yan, dapat sigurong magpaliwanag ang staff ng Wowowin kung bakit ganu'n ang "eksena" nila sa game show.


Pero we doubt na gagawin nila 'yan dahil hindi naman siguro hahayaan ni Kuya Wil na may taong malait para lang makapaghatid sila ng entertainment, 'no!

So, ano nga kaya ang totoo o sino ang nagsasabi nang totoo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page