top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hindi umaaming dyowa si Coco pero… JULIA, 'DI PUWEDENG HUBARIN ANG SUOT NA SINGSING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2020
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 12, 2020




Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang suot na singsing ni Julia Montes sa isa niyang Instagram post kung saan nakaupo siya sa dining table at waring naghahanda ng kanyang iluluto.


Ayon kay @mayreneyhenmalagueno, “Palaging suot niya 'yang ring na 'yan (heart emoji), hehehe! Sana talaga, may mangyaring aminan na sa public.”


Maraming nag-react sa komento ni @mayreneyhenmalagueno.


“Darating din 'yung time, don’t worry, happy si Juls.”


“'Yun, oh, ang mahiwagang ring ni bebe.”


Nakakaintriga naman ang follow-up comment ng isang netizen na ito.

“Hindi puwedeng alisin sa daliri (laughing emoji).”


May mga netizens na nakakaintindi sa relasyon nina Julia at Coco Martin kahit pa wala namang inaamin ang dalawa.


“Kung ok lang sa kanya 'yung setup nila, sino ba naman tayo para humanash pa?! Ibigay na natin sa kanila 'yan.”


May naiinis naman sa rumored celebrity couple at ang sabi, “Ayan na naman sila sa pa-mysterious ek-ek nila.”


Depensa ng isa, “Hahaha! Nainis ang isang tsismosa. Hintay ka lang, Manang. Buhay nila iyan.”


May nagsasabi ring, "'Wag munang mag-assume, baka ma-hurt, hahaha."


“'Yung ring kasi, nasa engaged/married finger," komento ng isa pa.


Pansin ng isa pang netizen, "'Di naman siya palasuot ng ring before. Before Balesin pa yata niya suot 'yan, baka celebration nila 'yung pagpunta nila sa Balesin.”


Ang iba naman ay naghihintay sa pagpasok ni Julia sa Ang Probinsyano.

“Magaling siyang umarte. Sana, pumasok siya sa AP.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page