top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Nagbago lang after ng rape joke kay Jessica Soho… VICE, MAS MASAHOL PA RAW MAG-JOKE SA MGA HOSTS NG MACHONG CHISMISAN

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 18, 2026



Vice Ganda - IG

Photo: Vice Ganda - IG



Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga netizens ang kontrobersiyal na tsikahan sa podcast ng Machong Chismisan, kung saan ginawang biro ang pagiging PWD (person with disability) ng anak ni Kris Aquino na si Joshua. 


Sinabihan itong ‘walang kuwenta’ at ‘nakatunganga lang’ kahit na malaki ang allowance.

Dahil dito, inihahambing ng ilang netizens ang mga biro noon ng Unkabogable Phenomenal Superstar na si Vice Ganda sa mga naging pahayag ng podcast hosts.


Sa isang post sa Threads, sinabi ng isang netizen, “Vice Ganda’s jokes are very different now but people who know Vice from 2 decades ago sa Punchline and Laffline (comedy bar) know na worse pa jokes and comments n’ya sa Machong Chismisan. This is not an anti-Vice post. Just saying people can change or at least adapt.”


Komento naman ng ibang mga netizens, “Natuto na ata s’ya after that Jessica Soho joke. ‘Yung rape joke, which is very wrong.”


Matatandaang binatikos din si Meme Vice dahil sa biro niya tungkol kay Jessica Soho na isang batikang mamamahayag.


“Nag-joke s’ya about rape at sa weight ni Jessica Soho,” komento naman ng isa.

Aniya, “Posible ring may naging aral kay Vice ang kontrobersiya nu’n tungkol sa biro n’ya kay Jessica Soho. Mali at hindi dapat ginagawang katatawanan ang rape, pero nagawa rin n’yang magbiro tungkol dito.”


“Sa bandang huli, ‘di naman ibig sabihin na ‘pag pinuna ang mga dating pagkakamali ng isang tao ay kinakalaban na s’ya. Minsan, mahalaga ring balikan ang nakaraan para makita kung paano nagbabago ang isang tao.


“Dahil ang tunay na pagbabago ay ‘di lang nasusukat sa mga biro na ginagawa, kundi sa mga aral na natutuhan mula sa mga pagkakamali noon. Just saying...”

Ganern?!





UNTI-UNTI nang nakikilala si Debbie Lopez sa Original Pilipino Music (OPM) matapos niyang masungkit ang New Female Recording Artist award sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Music Awards noong Hulyo 25 na ginanap sa Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan.


Ang pagkilalang ito ay isa sa mahahalagang milestones sa kanyang singing career. 

Bago pumasok sa recording industry, nagtrabaho siya bilang radio DJ at host, naging online performer, at naging abala rin sa cosplay.

Kasunod ng kanyang pagkapanalo, inilabas ni Debbie ang single na Tindog, isang upbeat song tungkol sa pagbangon mula sa heartbreak at mga pagsubok sa buhay. 

Ang salitang ‘tindog’ ay nangangahulugang bangon o ahon, at ang kanta ay pinaghalong Cebuano, Tagalog at English.


Personal na karanasan ang naging inspirasyon niya sa awitin, partikular ang pagbitaw sa kanyang first love matapos ang 27 taon.

“It's about moving on,” ani Debbie. 


Paliwanag niya, “It’s based on my own experience. I had to let him go kasi sasakit lang ang dibdib ko.


“‘Pag kumakanta ako, napi-feel ko talaga ‘yung lahat ng emotions.”

Ayon sa singer, mas nahihilig siya sa mellow at millennial tunes. Nagbibigay din siya ng sariling input sa mga composers na nakakatrabaho niya upang maipakita ang kanyang personalidad at damdamin sa mga kanta.


Sa kabila ng mga pagsubok sa music industry, patuloy siyang natututo at pinipiling magpokus sa mga proyektong makatutulong sa kanyang paglago bilang recording artist.


“You have to choose talaga what’s the best for you. Lagi naman akong all-in sa mga proyekto at trabaho ko,” aniya.


Nakatakda ring ilabas bago matapos ang 2026 ang kanyang debut album na Radiance.


Mayroon din siyang nakaplanong international project sa Malaysia at Singapore sa 2027, gayundin ang planong concert sa parehong taon.


Samantala, naging monthly winner ang Radiance sa OPM International Airplay contest ng Dragonfly Radio Station sa Nashville, Tennessee, USA.


“So grateful to Ms. Natalea Sharp for airing Radiance all the way in Nashville, TN, USA on Dragonfly Radio Station! Thank you for bringing Ms. Debbie’s music to your listeners. Truly honored!” pasasalamat niya.


Aniya pa, “We're going GLOBAL — Debbie Lopez, Asia’s Radiance Icon & The Song.”

Nakaagaw-pansin din kay Ogie Alcasid ang mga posts ni Debbie sa Facebook (FB), lalo na ang poster para sa concert ni Richard Reynoso na RR40, na gaganapin sa Disyembre 11 sa Teatrino Promenade, Greenhills.


Nakatakdang maging guest si Debbie sa naturang concert bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 taon ni Richard sa industriya.


Aniya, “So grateful to Sir Ogie Alcasid for liking the poster for the Legendary Richard Reynoso concert!


“Thank you for noticing our journey, Sir Ogie. It means so much coming from a fellow OPM icon celebrity. Hoping na makapanood din kayo sa concert para makapagpa-picture po ako sa inyo.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page