top of page
Pokwang.jpg

Tumanggap ng almost P500K… RIA MOVIE NINA NOUR HOOSHMAND AT SYLVIA, WAGI SA 31ST BUSAN INTERNATIONAL FILMFEST

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 18, 2026



RIa - Heart of EuroAsia Awards

Photo: RIa - Heart of EuroAsia Awards



Winner ang pelikulang Ria ng Heart of Eurasia Award sa katatapos na 31st Busan International Film Festival, na ginanap nitong October 15 sa Busan Cinema Center.


Kinilala ang Ria bilang natatanging pelikulang Asyano na itinampok sa seksiyong Vision ng festival, na nagbibigay-diin sa mga independent movies at sa umuusbong na cinema mula sa iba’t ibang rehiyon.


Ang Ria ay co-produced ng limang bansa tulad ng Pilipinas, Netherlands, Norway, Saudi Arabia at Japan. Ang kuwento ay tungkol sa buhay ni Ria na isang musikero ng folk-punk, na pinagbibidahan ni Nour Hooshmand. Humaharap siya sa mga hamon tulad ng sapilitang pagpapaalis sa komunidad, kahirapan, karahasang dulot ng estado at ang lumalalang kalusugan ng babaeng nagpalaki sa kanya, na ginampanan ni Sylvia Sanchez as Olga.


May gantimpalang natanggap ang Ria na nagkakahalaga ng 10 milyong South Korean won (humigit-kumulang $7,300 USD o P469,000) para sa pelikulang ito ni Arvin Belarmino.


Congratulations, Nathan Studios!





Ang BL o boy’s love movie na The Boy Foretold by the Stars (TBFBTS) na napanood noong 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF), ay isa sa mga finalists ng first Puregold Teatro Panalo.


Mga baguhang artista ang bumida sa pelikulang isinulat at idinirek ni Dolly Dulu. Ito’y sina Keann Johnson as Luke at Adrian Lindayag bilang si Dominic.


Bagama’t panahon ito ng COVID-19 pandemic, maganda ang naging resulta nito sa box office, considering na ang mga kasabayan nito ay ang mga pelikulang Fan Girl, Magikland, Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, Pakboys Takusa, Tagpuan, Suarez: The Healing Priest, Coming Home, The Missing at Isa Pang Bahaghari.


Kaya ang saya-saya ng buong cast at Team Brianstormers ni Direk Dolly at Clever Minds nina Omar Sortijas at Derick Cabrido as producers.


Ayon sa direktor, nagsimula ang TBFBTS bilang play bago ito naging pelikula. Kaya nang mag-anunsiyo para sa 1st Puregold Teatro Panalo ay isinali na ito ni Direk Dolly, na masuwerteng napasama as finalist. May premyo siyang P100,000 at dahil siya ang magdidirek ay may panibagong P100,000 kaya sumatotal ay P200,000, sey ni Chris Cahilig, festival director ng CinePanalo Film Festival at publicist ng Puregold Teatro Panalo.


Sey ni Direk Dolly, “Actually, nagsimula ang Boy Foretold sa teatro at ‘tong play na ‘to ay original form of the movie, which I wrote noong college pa ako na ru’n talaga nagsimula.

“Recently kasi, ‘di ba, may surge ang mga film na ginagawang play, kaya naisip ko na baka it’s time na ibalik ‘yung film sa original form, which is ‘yung play, at sakto, nagkaroon ng Teatro Panalo at talagang hinalungkat ko ‘yung baul ko (matagal nang nakatago). At s’yempre, kinabahan ako kasi 26 years ago na ‘yung play, so inisip ko kung relevant pa rin ba.”


Walang pressure na nararamdaman ang direktor sa gagawing play ng TBFBTS.

“‘Di naman ako nape-pressure in that sense kasi nag-stage na ‘to sa Ateneo (University) nu’ng college kami at sobrang ganda ng reception. So feeling ko, ngayon ay mas nag-mature na ‘ko as director, nag-mature naman na ako sa life, kaya feeling ko, mas magagawa ko pa ng mas maganda o feeling ko, mas mapapabongga natin kasi s’yempre, wala pa kaming budget nu’ng theater play pa lang nu’ng college. So ngayon, with the support of Teatro Panalo, I’m sure it will level up,” esplika ni Direk Dolly.


Hindi rin dapat ikinukumpara sa pelikula ang TBFBTS.


“‘Wag i-compare sa movie kasi iba ‘yung pinag-uusapan at iba ‘yung form. Feeling ko, if you like or love the movie ay mae-enjoy mo rin ‘tong Teatro version kasi it’s the same but it’s different at iba rin ang kilig ‘pag napanood mo sila nang live,” diin nito.


Sa kasalukuyan ay wala pang naisip na gaganap si Direk Dolly dahil sina Keann at Adrian ay hindi na babagay sa karakter nilang high school students.


“‘Yung role ni Dominic ay for auditions po, at ‘yung Luke, ‘pag ‘di pumayag, magiging for auditions din. Sana umoo ‘yung iniisip namin.


“‘Yung Luke (by Kean Johnson), ngayon mayroon na akong naiisip na cast. ‘Yung Dominic, played by Adrian Lindayag, ang galing ni Adrian, kaso nasa States s’ya.


“Saka ang kailangan ngayon ay young kasi high school students, kaya ‘di na rin sina Keann at Adrian dahil tumanda na sila. Baka mahirap na ring ibalik. But I really thought about them, about it, but I think deserve na rin ng play ng different cast na ‘di pa nakakagawa nito, and I think, baka they will bring a different form of magic,” esplika ni Direk Dolly.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page