top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hindi si Rommel? KARLA, UMAMING SI ROBIN ANG SUMAGIP SA KANILA NI DANIEL NU'NG PURDOY PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2021
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 24, 2021




Ramdam namin ang sincerity ni Karla Estrada sa kanyang greetings kay Robin Padilla na nagdiwang ng kaarawan kahapon.


Sa kanyang Instagram, nagbigay ng birthday message si Karla para kay Binoe. Pero aside from pagbati, abut-abot ang pagpapahayag ng pasasalamat ng TV host sa tiyuhin ng kanyang anak na si Daniel Padilla.


Nagpasalamat siya sa pagmamahal ni Binoe sa kanilang mag-ina kabilang na ang pagsasalba sa kanila during their struggling days.


“MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO 'TOL! Ako ay isang buhay na saksi ng kabutihan ng puso mo.


Salamat sa pagmamahal mo sa aming mag-ina. Salamat sa pagturing mo sa 'kin bilang isang tunay na kapatid. Salamat sa pagsalba nang tahimik sa aming mag-ina noong mga panahon na wala pa ang mga karangyaang ito.


“Dalangin ko ang katuparan at tagumpay ng mga minimithi ng puso mo. Mabuhay ka, Brother Binoe! HAPPY, HAPPY BIRTHDAY,” ang birthday message ni Karla kay Binoe.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page