Hindi si Ellen na nanay ng anak… JOHN LLOYD, SI MYLENE ANG GREATEST LOVE
- BULGAR

- Oct 20, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 20, 2020

Hindi ang sexy star na si Ellen Adarna ang greatest love ni John Lloyd Cruz. Ito ay kanyang inamin sa isa niyang interview.
Ang magaling na aktres na si Mylene Dizon daw ang type na type ni JLC. Si Mylene ay ex-wife ng aktor na si Paolo Paraiso at may dalawa silang anak.
Very strong ang personalidad ni Mylene at ito ang nagustuhan ni John Lloyd, kahit sabihin pang malayo ang agwat ng kanilang edad at may mga anak na si Mylene.
Magandang ideya sana kung may movie producer na pagsasamahin sina JLC at Mylene sa isang project o kahit sa serye sa telebisyon. Tiyak naman na may chemistry silang dalawa at pareho pang mahuhusay umarte.





Comments