Hindi si Coco… FIRST PARTNER NI JULIA, BABAE
- BULGAR

- 27 minutes ago
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 29, 2026

Photo: FB Circulated
Sina Julia Montes at Kathryn Bernardo pala ang first love team dahil bata pa lang sila ay sila na ang magka-partner sa mga projects na nagsimula sa Goin’ Bulilit (GB), sinundan ng seryeng Mara Clara (2010–2011); pelikulang Way Back Home (2011) at Growing Up series noong (2011–2012).
Naikuwento ito ni Julia sa panayam sa kanya ni Julius Babao para sa Unplugged YouTube (YT) channel nito nang dumalaw siya sa taping ng Sigabo.
Tanong ni Julius sa akt res, “Sa isang interview, nabanggit mo na ang kauna-unahang ka-love team mo, si Kathryn Bernardo bago mo na-meet si Direk Coco (Martin).”
Sey ni Julia ay si Kath muna ang ka-love team niya at sinundan ni Coco at hindi na muling nagkaroon pa.
Hindi na nasundan ang project ng dalawang aktres dahil pareho na silang naging busy sa life at nagkaroon ng kani-kanyang projects.
Kaya tanong ni Julius, “Wala man lang talks para pagsamahin kayo muli?”
“Naku, ‘pag nagkikita nga po kami, ang sinasabi namin (sa isa’t isa), ‘Ano, original love team, ano na? Sana po, magkaroon ng magandang project at magandang opportunity para magsama kami,’” kuwento ng aktres.
Masarap daw katrabaho si Kath dahil mabait, magaling at sa aktres lang niya na-experience ang magkaroon ng totoong kaibigan sa showbiz.
“Kasi po nu’ng time na ‘yun, lagi kaming pinagbabangga dahil sa Mara Clara. Pero never talagang pumasok sa amin ‘yung (isyu). Para kaming magkapatid. Si Tita Mhin (Bernardo), kung ituring ako, para akong anak, kaya talagang nagkaroon kami ng instant family within sa mga trabahong ginagawa po namin,” sey ni Juls.
Pero kahit na hindi nagkikita ay hindi naman sila nawalan ng komunikasyon.
“Kahit busy po sa trabaho, ‘pag may opportunity, nakakapag-usap naman kami. ‘Pag nagkikita po kami, parang kailan lang,” masayang sabi ng aktres.
Open daw siya kung sakaling may offer uling project para sa kanila ni Kathryn.
Hindi pa nakakasama ng mister niya si Kathryn pero kung may chance ay puwede kaya?
Hirit kaagad ni Julia, “Dream project po namin.”
For sure, nag-iisip na si Coco kung ano’ng magandang kuwento para sa dalawang aktres na for sure ay ipo-produce ng CCM Productions.





Comments