Hindi pantay na premyo sa sports
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 8, 2022
Dear Chief Acosta,
Maaari bang magpatimpalak ang grupo sa aming probinsiya ng chess competition na may mas malaki ang premyo para sa mga mananalong kalalakihan kaysa sa mananalong kababaihan? - Natiriel
Dear Natiriel,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Rule III, Chapter IV, Section 14 ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Republic Act No. 9710 o mas kilala sa tawag na The Magna Carta of Women, kung saan nakasaad na:
“SECTION 14. Women in Sports. – xxx.
No sports event or tournament will offer or award a different sports prize, with respect to its amount or value, to women and men winners in the same sports category:
Provided, That the said tournament, contest, race, match, event, or game is open to both sexes: Provided, further, That the sports event or tournament is divided into male or female divisions;” (Binigyang-diin)
Sang-ayon sa nabanggit, malinaw na sa sports event o tournament, dapat pantay lamang ang premyo para sa mga mananalong manlalaro, kalalakihan man sila o kababaihan.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments