top of page

Hindi pagsasabi ng katotohanan sa affidavit, kasalanan sa batas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 26, 2020
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 26, 2020



Dear Chief Acosta,


Nagpanotaryo ang aking kaibigan ng Affidavit of Loss para sa kanyang employee I.D. Ngunit hindi naman talaga ito nawala at gusto lamang niyang maitago bilang souvenir kapag siya ay nag-resign o nagretiro na dahil kailangan nila itong ibalik sa kumpanya. Maaari ba siyang makasuhan sa kanyang nagawa kahit mabuti naman ang kanyang intensiyon? –Bernard


Dear Bernard,


Ang sagot sa inyong katanungan ay opo. Para sa inyong kaalaman, tinatalakay ng Article 183 ng Revised Penal Code of the Philippines ang pagsisinungaling o hindi pagsasabi ng katotohanan sa affidavit:


Art. 183. False testimony in other cases and perjury in solemn affirmation. — The penalty of arresto mayor in its maximum period to prision correccional in its minimum period shall be imposed upon any person, who knowingly makes untruthful statements xxx, shall testify under oath, or make an affidavit, upon any material matter before a competent person authorized to administer an oath in cases in which the law so requires. xxx

Ang mga elemento ng krimeng Perjury ay ang mga sumusunod: pagbigay ng testimonya o paggawa ng affidavit tungkol sa materyal na impormasyon, ang nasabing testimonya o affidavit ay ibinigay o ginawa sa harap ng may kapangyarihang tumanggap nito tulad ng notaryo publiko, alam ng akusado na walang katotohanan ang kanyang sinambit o sinadya niya ang pagsabi nito, at ang testimonya o affidavit ay kinakailangan sa ilalim ng batas.


Samakatwid, ang inyong kaibigan ay nagkasala kahit na wala siyang masamang intensiyon dahil tahasan siyang nagsinungaling sa notaryo publiko tungkol sa pagkawala ng kanyang I.D. at pinanumpaan niyang ito ay pawang katotohanan lamang bagama’t alam niyang hindi.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page