top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg

Hindi pa umano siya target... Trump, pinalalakas ang kampanya kontra-ICC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @World News | August 2, 2026


Hindi pa umano siya target... Trump, pinalalakas ang kampanya kontra-ICC

Photo: File



Nagbiro si US President Donald Trump na hindi pa siya target ng International Criminal Court (ICC), ngunit sinabi niyang posible itong mangyari sa hinaharap habang pinalalakas ng kanyang administrasyon ang kampanya laban sa international tribunal.


Sa isinagawang cabinet meeting sa Camp David nitong Biyernes, sinabi ni Trump na wala siyang impormasyon na hinahabol siya ng ICC, ngunit pabirong inamin na hindi niya isinasantabi ang posibilidad. Natawa naman ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa naging pahayag.


Inihayag ito ni Trump habang nagsasalita si US Secretary of State Marco Rubio, na muling iginiit ang matinding pagtutol ng Estados Unidos sa ICC. Ayon kay Trump, hindi ang kanyang sarili ang ipinagtatanggol ng Amerika kundi si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at iba pang lider na nahaharap sa imbestigasyon ng korte.


Noong Nobyembre 2024, naglabas ang ICC ng arrest warrant laban kay Netanyahu kaugnay ng digmaan sa Gaza at mga alegasyon ng war crimes. Hindi kabilang ang Estados Unidos at Israel sa mga bansang lumagda sa Rome Statute, ang kasunduang lumikha sa ICC.


Samantala, sinabi ni Rubio na nagpapatuloy ang kampanya ng Trump administration upang hikayatin ang iba’t ibang bansa na kumalas sa ICC. Ayon sa kanya, limang bansa na ang nagpahayag ng planong umalis sa tribunal, kabilang ang Chad at Venezuela.


Iginiit din ni Rubio na itinuturing ng Estados Unidos ang ICC bilang isang “illegitimate international organization,” dahilan upang ipagpatuloy ng administrasyon ang panawagang i-boycott ang nasabing korte.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page