Super happy na nag-propose na ang BF… AIKO KAY ONEMIG: ALL YOURS

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 22, 2026

Photo: IG _aikomelendez
Nagbahagi ng mensahe ang aktres na si Aiko Melendez tungkol sa kanyang engagement at sa kaligayahang nararamdaman niya ngayon.
Ani Aiko, “Still glowing… There’s something different about the glow that comes from being genuinely happy, at peace, and engaged to the man who makes me feel whole.
“No judgments, no explanations, no need for anyone’s approval. Just two people choosing each other, embracing God’s timing, and looking forward to forever.
“This makes me happy. This is my peace. And yes... I'm enjoying every bit of this engagement glow. Thank you, Ms. @ycegandaaa, for my makeup today and @hair_yhen. PS @uno_111, all yours.”
In fairness, iba talaga ang pagka-blooming ni Aiko ngayon.
‘Yun lang, and I thank you.
Nainsulto nang sitahing fake ang bag…
CAMILLE, PAGOD NA SA PORMANG ARTISTA, WA’ NA CARE
Inamin ng TV host-aktres na si Camille Prats sa bonggang kuwentuhan nila nina Iya Villania at Suzi Entrata-Abrera sa podcast na Kami Ang Inyong Mga… na dumating siya sa puntong hindi na niya iniintindi kung mamahalin ba o hindi ang kanyang mga gamit o kung mukha siyang yayamanin mula ulo hanggang paa o hindi.
Ani Camille, “I remember there was this one time na dumating na rin ako sa point na I no longer care whether ‘yung mga gamit ko ay mamahalin.
“Parang I put so much pressure on the things that I own because at some point, ‘pag nandito ka sa industry na ‘to, and maybe in your workplace too, depende naman ‘yun.
“You can feel the pressure kung saan ka man, either playing pickleball or having the newest collection of this bag or this brand, alahas. So depende ‘yan. Sabi nila, status symbol mo ‘to, kotse mo, dapat maganda, sapatos mo, relo mo, alahas mo, bag mo.
“Mars, ang hirap. I remember I used to care so much. If I was going to leave the house, suot ko ba ‘yung hikaw ko, ‘yung relo kong mamahalin, ‘yung belt kong mamahalin? Maganda ba ‘tong fit ng pants ko? ‘Yung sapatos ko, kung may sumbrero, okay, kung may headband, okay. Lahat na, head to toe, mukha na ba akong yayamanin? I’m going to be very real, ‘yun ‘yung goal. Mukha na ba akong mamahalin?”
Ikinuwento rin ni Camille ang isang pagkakataon nang dumalo siya sa isang regional event ng GMA para mag-promote. Isang lokal na bag na natanggap niya ang ginamit niya.
Sey niya, “And ito na ‘yung panahon na parang nakakapagod nang mag-keep up. Tapos, parang lahat ng ginastusan ko, kung anu-ano, mapatakan lang ng sauce, parang ayoko nang gamitin ‘yung bag ko.
“Ayoko na. The pressure, bili ka nang bili. ‘Yung pinagtrabahuhan mo, mapupunta lang du’n sa luxury mo. Tapos ang ending nu’n, natapos ‘yung show nang wala kang ipon, pero meron kang bag, meron kang sapatos, pero wala kang pang-ibang bagay.”
Para kay Camille, nakakapagod ang ganitong sitwasyon dahil parang kailangan mong laging isipin kung ano ang magiging tingin sa iyo ng ibang tao.
Samantala, naalala rin niya ang isang taong pumuna sa bag na ginamit niya, kahit inakala niyang malapit sila sa isa’t isa.
Kuwento niya, “May one person who told me na, ‘Ano ba naman ‘yan, legit?’ Thought at some point we were kind of close. We’re like… we’re friends. Pero sobra talaga akong… like, ang lakas ng voice n’ya, ‘Ano ba naman ‘yan? Bakit ‘yan ang gamit mo? Artista ka, ‘di ba? Dapat, mukha kang artista. ‘Di ka dapat nagsusuot ng mga ganyang gamit.’”
Sagot naman ni Camille, “Bakit? Ano’ng problema sa gamit ko? ‘Di lang naman ‘to ang basehan ng pagiging isang artista.”
Aminado ang aktres na hindi niya noon lubos na na-realize na may ganitong expectation ang ibang tao sa mga artista. Pero dumating siya sa puntong hindi na niya ito pinapansin.
Sey ni Camille, “Pero nandu’n na ako sa point na, you know what? I don’t really care.”
Mas gusto na rin niyang gamitin ang kanyang mga gamit nang hindi nag-aalala kung madudumihan o magasgasan ang mga ito.
Aniya, “Parang, why am I allowing myself to be a slave of these material things when in reality, mas masarap ‘yung buhay na, yeah, don’t care.”
In fairness, marami ang humanga kay Camille Prats na kilala bilang ‘Princess Sarah’ ng showbiz industry dahil sa pagiging praktikal nito pagdating sa mga gamit.
Big tumpak, Camille!





Comments