Hindi na kailangan ng marriage license para sa kasal, kung magka-live nang lima o higit pang taon
- BULGAR

- Oct 12, 2020
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 12, 2020
Dear Chief Acosta,
Apat taon na kaming nagsasama ng BF ko perohind pa rin kami ikinakasal. Plano na naming magpakasal sa susunod na buwan dahil nagdadalang-tao na ako, kinakailangan pa ba namin kumuha ng marriage license? – Lucy
Dear Lucy,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa Article 34 ng ating Family Code of the Philippines, ang dalawang tao na nagsasama na parang mag-asawa nang hindi bababa sa limang (5) taon ay maaaring magpakasal kahit na walang marriage license. Ayon sa nasabing batas:
“Art. 34. No license shall be necessary for the marriage of a man and a woman who have lived together as husband and wife for at least five years and without any legal impediment to marry each other. The contracting parties shall state the foregoing facts in an affidavit before any person authorized by law to administer oaths. The solemnizing officer shall also state under oath that he ascertained the qualifications of the contracting parties are found no legal impediment to the marriage.” (Binigyang-diin)Sa inyong sitwasyon, sa kadahilanang kayo ay nagsasama pa lamang ng apat na taon, kinakailangan pa rin ninyong kumuha ng marriage license.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments