Hindi lang ang 94-anyos na bulag na padir… 10 SA PAMILYA NI ANGEL, POSITIBO SA COVID
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 14, 2021

Sampung miyembro pa sa pamilya ng aktres na si Angel Locsin ang nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang ini-reveal ni Angel sa comment section ng kanyang Instagram post kung saan makikitang ipinapasok sa loob ng ambulansiya ang kanyang ama na si Angel Colmenares last Sunday night.
Pagkatapos i-post ni Angel sa Instagram ang balitang nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ama, isiniwalat ng aktres with a heavy heart ang pagkakaroon din ng COVID ng iba pa niyang kamag-anak.
"10 members of the fam from separate houses got COVID," lahad ni Angel.
Sa unang bahagi ng comment-post ni Angel ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga nanalangin para sa mabilis na paggaling ng kanyang ama.
At the same time, sinabi ni Angel na tatanggalin niya ang kanyang IG story tungkol sa pagkakaroon ng COVID ng kanyang ama. Ayaw daw kasi ni Angel na maalala ang pangyayaring ito.
"Thank you for the prayers. I'm going to take this post down. This is something I do not want to remember. I guess, I just needed to air out yesterday. 10 members of the fam from separate houses got COVID. Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family," comment-post ni Angel.
Bumuhos kasi ang pagdamay kay Angel at nag-alay ng panalangin para sa paggaling ng kanyang ama ang mga sikat na celebrities matapos niyang i-post ang piktyur at video nito habang ipinapasok sa loob ng ambulansiya.
"Praying for your dad's fast recovery," mula kay Judy Ann Santos.
"Daddy, magpagaling po kayo. Praying for you po Daddy. Dasal lang 'te," say ni Angeline Quinto.
"I'm praying for your family, Gel. Yakap," mensahe ni Bea Alonzo.
From Dimples Romana, "Praying for you, Daddy!!! Dito lang kaming lahat praying with you Mars@therealangellocsin and @neil_arce."
Ang iba pang celebrities na nag-post ng comment ay sina Charo Santos, Jodi Santamaria, Boy2 Quizon, Magandang Buhay host Karla Estrada, Ogie Alcasid, It's Showtime host Amy Perez, Bianca Gonzales at iba pa.
Nag-post din ng praying hands emoji ang Kapuso star na si Marian Rivera na ikinatuwa ng mga netizens.
Reply ng netizen sa comment na praying hand emoji ni Marian, "Real friends being there for each other."
True.





Comments