top of page

Hindi kaya mga trapo lang ang nakinabang sa paglago raw ng ekonomiya?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 9, 2025
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PAGLAGO NG EKONOMIYA ‘DI RAMDAM NG MAMAMAYAN -- Ibinida ng mga appointee ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago raw ng 5.4% ang ekonomiya ng Pilipinas sa first quarter ngayong year 2025.


Aba teka, bakit hindi ramdam iyan ng mamamayan?

Kung totoo man iyan, eh baka naman ang nakinabang sa sinasabing paglago ng ekonomiya ay mga trapo (traditional politicians), boom!


XXX


DAMAY ANG RATING NI SEN. IMEE SA PAGBAGSAK NG RATING NI PBBM -- Sabi ni Sen. Imee Marcos na ang pagbagsak ng kanyang rating sa mga senatorial survey ay dahil sa bad rating ng kanyang kapatid na si PBBM.


May punto si Sen. Imee sa sinabi niyang ito kasi nga parehong Marcos ang apelyido nila, kaya damay ang kanyang rating sa senatorial survey sa bagsak ng performance rating ng kapatid niyang presidente, tsk!


XXX 


DAPAT LANG NA I-DRUG TEST ANG MGA TSUPER TUWING IKA-90 ARAW – Inanunsyo ni Sec. Vince Dizon ng Dept. of Transportation (DOTr) na oobligahin na ang mga drivers ng mga public utility vehicle (PUV) na sumailalim sa drug test kada 90 araw o tatlong buwan. 


Ayos iyan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero laban sa mga kaskaserong tsuper, na kaya ang tutulin magpatakbo ng sasakyan ay dahil nagti-trip pala kasi nakadroga, period!


XXX 


PAG-ENDORSO NI GOV. GWEN GARCIA SA MGA KANDIDATO NI PBBM, ANG KAPALIT KAYA ‘DI PAGPAPATUPAD NG SUSPENSION ORDER SA GOBERNADORA? -- Inendorso ni Cebu Gov. Gwen Garcia ang kandidatura ng lahat ng kandidato ni PBBM sa pagka-senador.


Iyan kaya ang dahilan kaya kahit sinuspinde na ng Office of the Ombudsman si Gov. Garcia ay walang aksyon ang Malacañang na ipatupad ang suspension order sa gobernadora? Boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page