top of page

Hindi ito panahon ng “feeling blessed flex,” ito ang panahon ng malasakit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26, 2025
  • 2 min read

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | July 26, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Beshie, alam kong maulan, malamig at walang pasok ang karamihan. Ang iba ay sige lang sa bogchi at kape habang nagne-Netflix and chill sa inyong mga bahay o condo.


Pero huwag tayong maging manhid, ha? Hindi lahat may ganitong #blessed na life. Habang ikaw cozy at bumabawi sa pahinga, may mga kababayan tayong nilalamon ng baha, napilitang magsilikas, at walang makain!


Hindi porke’t hindi ka binaha, eh wala ka na dapat pake. Ang pagiging makatao — libre ‘yan, besh! Gamitin! Mag-sensitivity check din paminsan!


At eto pa ang masaklap: ginawa pang contest ang ayuda?! May pa-“selfie for e-ayuda” pang nalalaman. Haller! Anong kalokohan ‘yan? Charity ba ‘to o social media challenge? Paano kung wala silang cellphone? Wala na silang karapatang tumanggap ng tulong? Jusko! Mga paandar na walang puso -- forda likes lang!


Pero ang ultimate tanong: Nasaan na ang budget sa flood control projects? Parang mas effective pa ‘yung mga sandbag at timba-timbang panambak ng mga kapitbahay kaysa sa bilyones na ginastos para sa drainage, flood barriers, at kung anu-ano pang ekek na proyekto na wa’ epek naman! Lunod pa rin tayo sa baha ano baaa?!


Hindi na ito funny, mga beshie! Paulit-ulit na lang ang ganitong delubyo taun-taon. Parang hindi na ito resilience -- I smell something fishy na mga teh!


Kaya’t kahit masama pa rin ang panahon, sumugod pa rin ang tanggapan ng nag-iisa ninyong manang sa mga apektado ng baha. Lumusong ang ating Nutri-Jeep para mamigay ng mainit na arrozcaldo, Nutribuns at tubig sa Quezon City, Marikina, Pasig, San Mateo, Cainta, Taytay, Rizal pati sa Ternate at Silang, Cavite. 


Hindi sapat ang shared posts at pa-pray emoji lang! Kung may kakayahang tumulong, why not ‘di ba?!


Marami ang tunay na nangangailangan. Itabi niyo muna ‘yang humble bragging at insensitivity ninyo -- HINDI NAPAPANAHON!


Kaya kung ikaw ay safe, warm at dry today — share the love and your blessings!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page