top of page

Hindi dapat pagbitiwin ni PBBM, sibakin lahat ng palpak na miyembro ng gabinete

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 23, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

LAHAT NG PALPAK NA MIYEMBRO NG GABINETE NI PBBM, DAPAT SIBAKIN NIYA AT HINDI PAGBITIWIN SA PUWESTO -- Hindi nagustuhan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang naging resulta ng senatorial election na kaunti lang sa kanyang mga “manok” na kandidato sa pagka-senador ang nagwagi, at tila isinisi niya ito sa mahinang performance ng kanyang administrasyon kaya nagpasya siyang pagbitiwin sa puwesto ang lahat ng miyembro ng kanyang gabinete.


Teka, bakit pinagre-resign lahat? Eh sa totoo lang naman, kung may political will si PBBM, dapat ang gawin niya ay sibakin ang mga kalihim ng bawat departamento na palpak sa posisyon, at hindi iyong pinagre-resign niya lahat, na ‘ika nga kung sa tingin niya ay mahina ang performance, eh ‘di sibakin niya lahat, period!


XXX


TAMA SINA SEN. BONG GO AT ATTY. PANELO, KUNG SINSERO SI PBBM MAKIPAGBATI SA PAMILYA DUTERTE DAPAT KUMILOS ANG ADMINISTRASYON NA PAUWIIN SA ‘PINAS SI EX-P-DUTERTE -- Sabi nina Sen. Bong Go at former presidential legal counsel Salvador Panelo na kung totoo na nais ni PBBM na makipagbati sa pamilya Duterte, ang dapat daw aksyon ng Marcos administration ay gawin ang lahat ng paraan para maiuwi sa Pilipinas si ex-P-Duterte na nakakulong sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands.


Kapag sinunod ni PBBM ang nais mangyari nina Sen. Bong Go at Atty. Panelo, sinsero talaga siya na maki-reconcile sa mga Duterte pero kung walang gagawing aksyon ang Marcos admin para maiuwi sa bansa ang dating presidente, isa lang ang ibig sabihin niyan, “inuunggoy” lang ni PBBM ang taumbayan sa sinabi niyang gusto na niyang makipagbati sa pamilya Duterte, boom!


XXX


MGA KABATAAN, HINDI LANG SINA BAM AT KIKO ANG IBINOTO KUNDI PATI SI BONG GO KAYA ITO NAG-TOP SA SENATORIAL ELECTION -- Boto raw ng mga kabataan ang nagpanalo kina former Sen. Bam Aquino at Sen. Kiko Pangilinan.


Totoo iyan, at hindi rin maikakaila na sa dami ng mga bumoto kay Sen. Bong Go, mahigit 27 milyon kaya siya nag-top ay binoto rin siya ng mga kabataan dahil nakita ng mga ito (mga kabataan) ang dedikasyon nito sa tungkulin, at kaya siya ang naging top performing senator sa 19th Congress base sa survey ng Tangere firm, period!


XXX


KAY VP SARA NAGPASALAMAT SI EX-SP MANNY VILLAR SA PAGKAPANALONG SENADOR NI CAMILLE, AT HINDI SIYA NAGPASALAMAT KAY PBBM -- Nagpasalamat si former Senate President Manny Villar kay Vice President Sara Duterte-Carpio dahil malaki raw ang naitulong nito para magwaging senador ang anak niyang si Las Piñas City Rep. Camille Villar na kasapi ng “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” ni PBBM.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Villar na kaya kay VP Sara lang siya nagpasalamat ay dahil ang bise presidente ang nakatulong para maging senador ang anak niya, at hindi si PBBM, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page