Hindi apektado ang parte sa naiwang ari-arian ng ama kahit nagkaroon ng
extrajudicial settlement ang kapatid.
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 20, 2021
Dear Chief Acosta,
Ang aking ama ay matagal nang namatay at mayroon siyang ari-ariang naiwan. Lingid sa aking kaalaman na ang aking mga kapatid ay gumawa ng extrajudicial settlement para hatiin ang mga naiwang ari-arian. Mayroon bang epekto ito sa aking parte sa mga ipinamana ng aking ama? – Wilner
Dear Wilner,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Rule 74 ng Rules of Court. Nakasaad sa Section 1, ng nasabing panuntunan na:
“Section 1. Extrajudicial settlement by agreement between heirs. — xxx
The fact of the extrajudicial settlement or administration shall be published in a newspaper of general circulation in the manner provided in the next succeeding section; but no extrajudicial settlement shall be binding upon any person who has not participated therein or had no notice thereof.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, hindi maaapektuhan ang inyong parte sa mga naiwang ari-arian ng inyong ama kahit pa nagkaroon ng extrajudicial settlement ang inyong mga kapatid. Bagkus, maaari ninyong hingin ang inyong parte sa pamamagitan ng pag-file ng naaayong petisyon sa hukuman para maipawalang-bisa ito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments