top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hinay-hinay lang daw, Julie Anne… RAYVER, AYAW MUNANG PALITAN SI JANINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 06, 2022





Kilig na kilig ang mga JulieVer fans sa mga sinabi nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose last Sunday sa All-Out Sundays. Kinulit kasi sila nina Pokwang at Pekto sa kanilang love life at sumagot naman sila kahit papaano.


“Ayoko sanang tanungin ‘to pero bilang tsismosa ‘ko. . . Rayver, alam na ng buong mundo na single ka na. . .” simulang hirit ni Pokwang at napangiti si Rayver.


Patuloy ni Pokie, “Ready ka na bang magmahal muli?”


Nakangiting sagot ni Rayver, “You know what, guys, hinay-hinay lang muna, pero tama ‘yung sinabi mo,” which means tama raw na single siya ngayon.


Tawanan naman lahat at pati si Julie Anne ay bongga ang ngiti.


Tanong naman nina Pokwang at Pekto kay Julie Anne, "Nararamdaman mo ba ngayong 2022, magiging limitless na ang love life mo?”


Sagot naman ni Julie Anne, “We will see. God knows.”


Sapat na ito para bonggang-bonggang kiligin ang kanilang mga fans at nakahanap sila ng kaunting pag-asa na puwedeng magkatuluyan ang dalawa lalo pa nga’t umamin na si Rayver na single siya ngayon.


As we all know ay kagagaling lang ng aktor sa breakup with Janine Gutierrez. Umugong ang tsikang break na sila last November and actually, hindi pa nga nila ito kinukumpirma.


Pero sa sagot ni Rayver, parang confirmation na rin ito na wala na talaga sila ni Janine.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page