Hidilyn Diaz, nag-donate ng P1-M equipments sa SWP
- BULGAR
- Aug 26, 2021
- 1 min read
ni VA - @Sports | August 26, 2021

Matapos makatanggap ng napakaraming insentibo at pabuya dahil sa kanyang pagwawagi ng unang Olympic gold medal ng bansa sa nakalipas na Tokyo Games, si Hidilyn Diaz naman ang magbibigay ng mga equipments na nagkakahalaga ng P1 milyon sa Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) at Philippine Sports Commission (PSC) bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na mas palaganapin at palakasin ang pagkilala sa sport na nagbigay sa bansa ng una nating gold medal sa Olympics.
Mismong si Diaz ang mag-aabot ng kanyang mga donasyon sa mga opisyales ng PSC at SWP ayon sa presidente nito na si Monico Puentevella.
“Hidilyn wants the next breed of Filipino weightlifters to enjoy the fruit of her hardwork,” wika ni Puentevella, na siya ring spokesperson ni Senator Manny Pacquiao sa panayam dito ng Spin.ph.“It’s a great gesture for somebody who already brought honor to the country.”
“She wants to help develop more lifters so we’ll have plenty to follow her footsteps,” dagdag pa ni Puentevella.





Comments