top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Herbert, inamin na, Kris… "NO. 1 SA PUSO KO!" — RUFFA

BULGAR
Mar 17, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 17, 2022




Umamin na nga si Ruffa Gutierrez sa estado ng relasyon nila ni Herbert Bautista.


Sa kanyang Instagram post kahapon ay ipinagsigawan na nga niya sa publiko ang nararamdaman sa senatorial candidate.


Nag-post siya ng mga videos ni Bistek habang nangangampanya ito at sa caption, aniya, “#8 sa balota, #1 sa puso ko!” at nilagyan pa ng hashtag na “MySenatorMadeItToTop12.”


Sa comment section ay nagkagulo ang mga netizens pati ang mga celebrity friends niya.

“Ay, giiiiiiirl, ayan naaaaa,” komento ni Bianca Manalo.


“IG official na,” sabi naman ni Tim Yap.


Sey ni Arlene Muhlach, “'Yun, oh!!!!!”


Si Sunshine Cruz naman ay nag-react ng mga heart emojis.


“Yiheeeee” naman ang reaksiyon ni Danita Paner.


“Yassss!!!!! Love this girl,” sey ni Almira Muhlach.


At mukhang boto rin ang kapatid niyang si Raymond Gutierrez dahil nag-react ito ng mga heart eyes emoji.


Super-react din ang isa pa niyang kapatid na si Monching Gutierrez ng clapping hands sign emoji.


Matagal nang napapabalita na may namumuong magandang pagtitinginan sina Bistek at Ruffa pero ang lagi nilang sinasabi ay ang gasgas na linyang “Friends kami.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page