Search
  • BULGAR

Heavyweight Brandon Vera, Abangan sa mundo ng ONE Apprentice

ni MC - @Sports | March 6, 2021





Pampalakas ng viewership si reigning ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera bilang bigating martial arts superstars sa pagbisita niya sa upcoming reality television show, “The Apprentice: ONE Championship Edition.”

Makakasama ng 43-anyos na Filipino-American mixed martial arts veteran ang legendary fighters na sina Georges St-Pierre, Renzo Gracie, at dating ONE Welterweight World Champion Ben Askren, maging ang mga high-profile CEOs mula sa pinakamalalaking kumpanya sa buong mundo.

Naibahagi ni Vera, na ngayon ay nasa Florida at nagte-training kasama ang fellow athletes na sina Aung La N Sang at Martin Nguyen ng Sanford MMA, ang kanyang karanasan sa ONE Championship’s version ng iconic TV franchise. “It was very educational and refreshing not to have any pressure on me in front of the camera. I got to learn a lot from the candidates. I look forward to seeing ‘The Apprentice: ONE Championship Edition,’” saad ni Vera. “It was an honor, an absolute privilege to be standing next to greatness both in the martial arts and business worlds.”

Ang palabas na hinalaw mula sa sikat na non-scripted television franchise ay kapareho ng tema ng classic American version at may bagong karanasang mapapanood ang fans.

Ang “The Apprentice: ONE Championship Edition” ay nilahukan ng 16 na kandidato mula sa iba't ibang bansa na sumabak sa serye ng negosyo at physical challenges upang mapag-agawan ang US $250,000 job offer sa tanggapan ni ONE Chairman and CEO Chatri Sityodtong bilang kanyang protege.

Nasaksihan ni Vera ang pagharap sa mga pagsubok at laban ng mga kandidato upang makuha ang panalo sa kompetisyon at dito makikita ng viewers kung gaano kahirap ang bersiyon na ito ng “The Apprentice.” “I think the physical challenges for the candidates were something very unexpected. They were definitely not prepared even though they thought they were. It was very cool seeing some of them push beyond their limits, while some just fell apart,” kuwento ni Vera.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.