top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

HEART, PINALITAN NI PIA BILANG MODEL NI MARK BUMGARNER

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 14, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 14, 2023



May naghanap kay Heart Evangelista sa fashion show ni Mark Bumgarner sa Los Angeles, California. Nasanay si ate gurl na si Heart ang muse ni Mark at laging disenyo ni Mark ang suot ni Heart, mapa-gown man o casual wear. Pero ngayon, si Pia Wurtzbach na raw ang muse ni Mark.


Si Pia ang finale sa fashion show ni Mark na ginawa sa L.A. at doon dumiretso si Pia pagkatapos niyang rumampa sa Paris Fashion Week.


In fairness, walang nang-bash kay Pia, humupa na rin ang pagkukumpara sa kanila ni Heart ng kani-kanyang supporters. May nag-comment lang ng “Heart pa rin.”


Nabasa namin ang pangalan ni Nadine Lustre na isa sa mga nag-congratulate kay Pia sa pagrampa sa fashion show ni Mark. Maaalalang nagkita sina Pia at Nadine sa Paris Fashion Week at may photo pa sila at sa isang larawan, kasama pa nila si Anne Curtis.


Balitang Pia pa rin, may book signing siya ng book niyang Queen of the Universe sa October 22 sa SM City Cebu. Excited na si Pia sa book signing na ito dahil fans niya sa Cebu ang makakaharap.


May request ng book signing sa Davao City at sa Sweden na siguro naman, mapagbibigyan ni Pia.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page