Search
  • BULGAR

HEART, NAPIKON NA RETOKADA RAW, TODO-ENGLISH, SABLAY NAMAN, SINOPLA NG NETIZENS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 27, 2021




Pumiyok si Heart Evangelista na siya ay dumaan sa cosmetic surgery.


May isang netizen kasi ang nag-post na “The dr who did Heart Evangelista’s nose is going to do mine. I am so EXCITED.”


Naalarma ang Kapuso actress at agad na nag-post sa kanyang socmed account. Hinihingi niya ang pangalan ng doctor na sinasabi ng netizen. Puwede raw itong kasuhan dahil nagsisinungaling.


Ani Heart, “Who is the doctor because I can actually tell him I didn’t do my nose and he is lying to you. Please give me the name. You can actually sue him for lying to you.”


Sabi pa ng aktres, hindi naman siya against sa pagpaparetoke at kung dumating ang panahon na kailangan niya na rin ay willing siyang gawin.


Dahil sa mahabang eksplanasyon ni Heart, sabi tuloy ng isang netizen, “Gilting-guilty, hahaha!”


May nagsasabi namang ginagamit lang daw ang name ni Heart para maka-attract ng client.


“Guilty? Common sense naman. Just say you don't like her.”


“Patola nga, eh, 'di mapigilan emotion, daming wrong grammar sa tweet n'ya regarding d'yan... Kung 'di naman totoo, sana maayos niyang sabihin.”


“Defensive much?”


Pinulaan din ng ilang commenter ang English ni Heart.


“Ang gulo niyang mag-English.”


“True, nahilo ako.”


“'I didn’t do my nose' talaga? Hindi 'I didn’t have my nose done?'”


"Nobody touched my nose dapat.”


May nagsasabi pang pikon na pikon na raw si Heart at parang gustong manakit.


Teka nga lang, bakit nga ba napakalaking isyu kay Heart ang pagiging retokada?


Sana, kung wala nga siyang ipinagawa sa kanyang mukha, tumahimik na lang siya.


Sabi nga ng isang commenter, para raw hindi asawa ng pulitiko, patola sa mga hanash sa kanya.


Very well said.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.