top of page
Search
  • BULGAR

HEART, MAY TUTORIAL KUNG PAANO TUMAWA AT UMIYAK ANG RICH GIRL

ni Nitz Miralles @Bida | May 6, 2024



Photo
File photo: Heart Evangelista - IG

Kakaiba ang autograph signing ni Heart Evangelista sa launching niya bilang new ambassador ng Avon Intimate Apparel. Sa suot na Avon bra ng mga kasama niyang rumampa nagpapirma ang mga kababaihan.


Nagdala talaga ng pentel pen ang mga rumampa at pagkatapos ipakilala si Heart, isa-isa nang nagpapirma ng autograph.


Naaliw ang present sa launching dahil sa iba’t ibang parte ng bra sila nagpapirma ng autograph. Merong sa likod, meron sa gilid at meron sa harap. Siguradong hindi na nila isusuot at hindi palalabhan ang mga bra na pinirmahan ni Heart.


Maganda ang video ng Avon Intimate Apparel na ipinakitang naka-bra si Heart, may nag-comment tuloy na boobsie pala siya dahil malaki nga ang boobs. May naghulaan pa nga kung ano'ng size ng cup ng bra ni Mrs. Chiz Escudero.


Dahil si Heart na ang ambassador ng Avon Intimate Apparel, marami na uli ang nakumbinse na ito ang bilhin at gamiting brand. Sabi nga ng fans nito, “Basta si Heart, alam mong hindi eme-eme lang.” 


Samantala, pagkatapos ipakita sa kanyang followers kung paano tumawa ang rich girl, ang sunod na itinanong sa kanya ay kung paano umiyak ang rich girl na game na ipinakita nito. Gamit ang isang daliri, pinahid ni Heart ang kanyang luha at hawak ang dibdib, dalawang beses lang humikbi at tapos na ang tutorial niya kung paano umiyak ang mayayaman.


Gaya sa tutorial kung paano tumawa ang rich girl, may disclaimer si Heart sa end ng video. Sabi nito, “But again, I didn’t say I was a rich girl,” na of course, ayaw paniwalaan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page