HEART, 'DI KAYANG MABUHAY NANG WALA SI CHIZ
- BULGAR
- Aug 26, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 26, 2023

Naging emosyonal si Heart Evangelista sa kanyang latest vlog with her husband Sen. Chiz Escudero tungkol sa adulting. Marami raw dapat ipagpasalamat si Heart sa senador dahil naging supportive at understanding daw ito sa panahon na nangangarap siyang maka-penetrate sa fashion world ng Paris at New York.
Para sa kanya, si Sen. Chiz ay hindi lang isang life partner kundi kaibigan, mentor, financial adviser at travel buddy rolled into one.
Aminado si Heart na hindi niya alam ang kanyang gagawin kapag wala si Sen. Chiz. Hindi niya kakayanin kapag nawala ang senador sa kanyang buhay.
Mahalaga para kay Heart ang kanyang pamilya. Kaya bukod sa kanyang mister, ang laging dasal niya ay manatiling buo ang kanilang pamilya. Mahal na mahal niya ang kanyang mom and dad, pati na rin ang mga kapatid niya.
Hindi mapapantayan ng anumang yaman at kasikatan ang pagkakaroon ng solid na pamilya. Ang kanyang pamilya ang kumukumpleto sa buhay ni Heart, hindi ang collection niya ng Hermes at iba pang branded na bags and shoes.





Comments