Health protocols, 'di sinunod… IVANA, NAGPAMUDMOD NA NG DATUNG, KAKASUHAN PA
- BULGAR
- Mar 23, 2021
- 1 min read
Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 23, 2021

Umalma at nagpoprotesta ang mga fans at supporters ng sexy star na si Ivana Alawi dahil sa balitang balak siyang kasuhan dahil sa ginawa niyang pagpapanggap na pulubi at pamimigay ng tulong sa mga mahihirap na kababayan natin sa kalsada.
Bawal daw ang ginawa ni Ivana na nanghihingi ng limos. At bawal din ang ginawa niyang pagtulong sa mahihirap na nakilala niya nang magpanggap siyang pulubi.
Paliwanag naman ng kampo ni Ivana, hindi siya namamalimos kundi nagpanggap lang na pulubi at prank lang ito para sa content ng kanyang YouTube vlog.
Hindi rin siya nagbigay ng limos sa mga taong naawa sa kanya kundi premyo niya ito sa mga may mabubuting puso na tumutulong sa kapwa kahit kapos din sa buhay.
Nagse-share lang si Ivana ng kanyang blessings sa mahihirap nating kababayan. Makatarungan ba na tumulong na nga si Ivana, kakasuhan pa?
Patuloy ang pagtulong ng sexy star sa matandang tindero ng puto na tinawag niyang 'Tatay'. Bukod sa cash na ayuda ay binilhan pa ito ni Ivana ng sariling motorsiklo para magamit sa paghahanapbuhay. Hindi na ito mahihirapan pang pasanin ang lalagyan ng paninda niyang puto.
Sabi nga ng mga netizens, sana, dumami pa ang tulad ni Ivana Alawi na generous sa pagtulong.
SANA ALL!!!
Comments