Health certificate, required sa dance instructor
- BULGAR
- Mar 24, 2022
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 24, 2022
Dear Chief Acosta,
Nag-apply ako bilang isang dance instructor. Tinanggap naman ako, ngunit sinabi sa akin ng may-ari ng kompanyang aking pinasukan na kinakailangan ko diumano na kumuha muna ng health certificate. Tama po ba ito?
Jaime
Dear Jaime,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Presidential Decree (P.D.) No. 856 o The Code on Sanitation of the Philippines. Nabanggit sa Chapter XI, Section 57 (a) ng nasabing batas na:
“CHAPTER XI
DANCING SCHOOLS, DANCE HALLS AND NIGHT CLUBS
Sec. 57. Special Provisions The following provisions are applicable in cases herein specified:
(a) For dancing schools
No person shall be employed as a dancing instructor or instructress without first securing a health certificate from the local authority.” (Binigyang-diin)
Samakatuwid, malinaw sa nabanggit na batas na lahat ng magtatrabaho bilang dance instructor ay kinakailangang magkaroon muna ng health certificate buhat sa isang lokal na health authority.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments