top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Harden, Fox, Butler at Barnes, malulupet

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | October 31, 2021





Kabuuang 29 puntos ang nagawa ni James Harden para sa season-high games, 8 assists at 8 rebounds nang manaig ang Brooklyn Nets mula sa mabagal na simula, 105-98 laban sa Indiana Pacers kahapon sa New York.


Naglabas ng pinakaepektibong laro si Harden ngayong season, mula nang sabihin niya noong nakaraang dalawang araw na dumaranas pa rin siya ng hamstring injury na nakuha noong Hunyo sa playoffs.


Isang 13-point sa 2nd quarter ang itinarak ni Harden para mabura ang 16 puntos na pagkakaiwan ng Nets at tuluyan na itong nanalasa hanggang 4th canto.


Sa iba pang laban, nakagawa si De'Aaron Fox ng 23 points upang pamunuan ang Sacramento Kings sa double figures nang manaig sa New Orleans Pelicans, 113-109.


Umiskor si Richaun Holmes ng 21 points, habang may 20 si dating Pelican Buddy Hield, 18 si Harrison Banes at 17 si Tyrese Haliburton para sa Kings.


Bumanat naman si Jimmy Butler ng game-high 32 points, habang si Bam Adebayo ay dumagdag ng 26 points at game-high 19 rebounds para pangunahan ang Miami Heat sa panalo, 114-99 kontra Charlotte Hornets.


Ito ang ikatlong diretsong panalo ng Miami at nakaalagwa sa 3-0 sa laro nila sa sariling balwarte, may 10 rebounds at five assists mula kay Butler. Nakatulong si Tyler Herro sa 26 puntos at nakagawa ng game high 6 assists.


Si rookie Scottie Barnes naman ang naasahan ng Toronto Raptors mula sa naitarak niyang 21 puntos sa first half at 9 rebounds para talunin ang bisitang Orlando Magic, 110-109.


Nakalamang pa ang Magic ng 12 puntos sa huling 2 minuto pero napantayan iyon ng Raptors hanggang sa nagmintis ang jumper ni Cole Anthony. Dumagdag si Fred VanVleet ng 19 points , 16 sa fourth quarter para sa Raptors, na nagawang talunin ang Magic sa 9 na sunud-sunod na laro noong 2019.


Nakapag-swak si Gary Trent Jr. ng 19 points.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page