Harassment na ginawa sa loob at oras ng trabaho
- BULGAR
- Jun 16, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 16, 2023
Dear Chief Acosta,
Niligawan ko ang aking katrabaho sa loob ng opisina namin pagkatapos ng oras ng trabaho. Sa kasamaang palad, itinuring niya ang aking mga kilos at aksyon na harassment kaya nagsampa siya ng reklamo sa kumpanya namin. Maaari ba akong disiplinahin ng kumpanya kahit na pribado at personal ang pangyayari? - Junrose
Dear Junrose,
Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay na ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “Casiano A. Navarro III vs. Hon. Israel D. Damasco, in his capacity as Voluntary Arbitrator, and Busco Sugar Milling Co., Inc.” (G.R. No. 101875, 14 July 1995), na isinulat ng Kagalang-galang na dating Kasamang Mahistrado Camilo D. Quiason, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
“Petitioner alleges that the quarrel between Baylas and him was a purely private affair. We do not agree with this contention. It will be noted that not only did the incident happen within the company premises, i.e. the ladies’ dormitory which was located inside the plant site, but both of them are employees of private respondent. Management would then be at the mercy of its employees if it cannot enforce discipline within company premises solely because the quarrel is purely personal matter. The harassment of an employee by a co-employee within the company premises even after office hours is a work-related matter considering that the peace of the company is thereby affected. The Code of Employee Discipline is very clear that immoral conduct “within the company premises regardless of whether or not [it is] committed during working time” is punishable.”
Batay sa nabanggit na desisyon, ang harassment sa isang empleyado ng kanyang katrabaho na nangyari sa loob ng lugar ng kumpanya, kahit na pagkatapos ng oras ng trabaho, ay itinuturing na may kaugnayan sa trabaho (work-related) kung isasaalang-alang ang posibleng maging epekto nito sa kapayapaan ng kumpanya.
Matapos isaalang-alang na ikaw at ang iyong katrabaho ay kapwa empleyado ng kumpanya at ayon sa iyong salaysay ay nangyari ang insidente sa loob ng opisina n'yo, maaari kang disiplinahin ng iyong kumpanya kahit na ang insidente ay pribado at personal dahil ito ay maituturing na work-related.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.








Comments