Happy naman daw sila nang ganu’n… DIEGO, WALANG BALAK PAKASALAN ANG NAANAKAN
- BULGAR
- Sep 9, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 9, 2023

Labis naming ikinagulat ang naging pahayag ni Diego Loyzaga nang ma-interview ng ilang press people sa isang event.
Natanong kasi si Diego kung kailan sila magpapakasal ng karelasyon na kanyang naanakan. Sa Perth, Australia isinilang ang kanilang anak na mahigit apat na buwan na ngayon at may Australian passport na ang baby nila na ang pangalan ay Hailey.
Super proud si Diego nang ipakita niya sa social media ang kanyang baby girl na si Hailey. Hindi naman niya itinago sa publiko na isa na siyang ganap na ama, pero diretsahan naman nitong inamin na wala siyang balak pakasalan ang ina ng kanyang anak na si Alexis Suapengco na isang model.
Katwiran ni Diego, okey naman ang kanilang setup at mahal nila ang isa’t isa. Pagtutulungan daw nilang palakihin nang maayos ang kanilang anak. It seems na hindi naniniwala si Diego sa kasal.
Sabi nga niya, “Marriage is just a piece of paper” na kapag nag-away at hindi na magkasundo, mahihirapan pa na magpa-annul ng kasal. Kaya okey na para sa kanya na hindi sila magpakasal ng kanyang nobya.
Sabi naman ng ilang netizens, unfair sa ina ng kanyang anak kung hindi sila magpapakasal. At saan nakuha ni Diego ang ideya na okey lang ang hindi magpakasal?
Well, magkakaroon daw ng podcast si Diego at dito niya ipapaliwanag kung bakit hindi siya naniniwala sa kasal.





Comments