Happy daw para sa ex-GF… JAVI: SUE AT DOMINIC, SILA ANG MAGIGING ENDGAME
- BULGAR

- 12 hours ago
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 22, 2026

Photo: FB Javi Benitez & Sue Ramirez
Mukhang maayos ang breakup nina Sue Ramirez at Javi Benitez dahil sa interview sa congressman, he has only good words to say sa ex-girlfriend niya.
Hindi naman siguro mamasamain ni Sue at ng current boyfriend nitong si Dominic Roque na sinagot ni Javi ang mga tanong patungkol sa aktres.
Sabi ni Javi, “I’m very happy for her. Wala akong masasabi na masama about her. I still feel that she’s one of the most accomplished yet still underrated actresses of her time.”
Nang tanungin sa relasyon nina Sue at Dominic, sagot nito, “Feeling ko, sila ang magiging endgame.”
‘Yun daw ang prediction at naniniwala siya.
Aniya, “Well, both of them want to get married and have kids. Saka, bagay sila.”
We asked Javi of his status at ang sagot nito, “Happy. Just low-key. You’ll never know, baka in the future, masabi ko rin. As of now, focused ako sa self-happiness.”
Si Javi pala ay bumoto ng ‘yes’ sa impeachment ni Vice-President (VP) Sara Duterte at so far, wala kaming nababasang mga online supporters or mga DDS (diehard Duterte supporters) na nagalit sa kanya. Inirespeto rin ng kanyang mga constituents ang boto niya, at umaasa ito na mananaig kung ano ang tama at katotohanan para na rin sa bansa at mga mamamayang Pilipino.
Dahil sa photo nina Marian Rivera at Coco Martin na kuha sa AKTORPH 6th General Assembly, may mga nag-comment na sana ay gumawa sila ng pelikula together.
Naisip pa ng mga fans na para hindi magkaproblema sakaling gustuhin ng dalawa na gumawa ng pelikula, ang film company na ni Coco na CCM Film Productions at ang Agosto Dos Pictures ni Dingdong na ang mag-collab bilang mga producers.
Ang mga fans na rin ang nakaisip na action-comedy ang genre na babagay kina Coco at Marian. Si Coco ang bahala sa action at si Marian sa comedy, at pakiusap ng mga fans, pakinggan ng dalawa ang kanilang request.
It turned out na may attempt na noon na pagtambalin sina Marian at Coco sa pelikula at may naglabas nga ng photos ng dalawa na kuha yata sa initial meeting nila. Kasama sa larawan si Roselle Monteverde-Teo at ang yumaong Mother Lily Monteverde (RIP) ng Regal Entertainment. Kasama rin sa photo ang yumaong director na si Maryo J. delos Reyes (RIP), na ang ibig sabihin, ang Regal sana ang magpoprodyus ng movie at si Maryo J. ang director.
Hindi natuloy ang project at ang tsika, may bumili ng kontrata kaya naudlot ang sana’y pagsasama sa pelikula nina Marian at Coco. Hindi nabanggit kung sino ang bumili ng kontrata at kung saan binili, basta hindi na lang natuloy ang movie.
Siguro naman, kapag may producer na makaisip na pagsamahin uli sa pelikula ang dalawa, matutuloy na dahil uso na ang collab ngayon sa mga artista ng GMA Network at ABS-CBN talents o mga Kapamilya artists.
Samantala, ini-launch si Marian bilang new Friend of the House of Bvlgari Philippines. Pinalitan yata nito si Pia Wurtzbach na present sa launching ni Marian at kasama sa mga nag-welcome sa kanya. Present din sa launching ni Marian ang asawang si Dingdong Dantes.





Comments