Happy ang Pasko… SHARON AT KC, BATI NA
- BULGAR

- Dec 23, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 23, 2020

Masayang balita para sa lahat, lalo na sa mga Sharonians at fans ni KC Concepcion, ang latest happening sa mag-ina.
Nagkabati-nagkaayos na raw sina Megastar at KC matapos ang kanilang tampuhan at away-bating sitwasyon.
Tama lang na wala nang nakialam-nakisawsaw pa sa pagbabati nina Sharon at KC upang wala nang isyu. Sabi nga, “blood is thicker than water” at walang inang makakatiis sa anak kahit na ano pa ang pagkakamali at pagkukulang nito.
At least ngayon ay mararamdaman na nila ang tunay na diwa ng Pasko dahil nagkapatawaran na ang mag-ina.
Wala na sigurong hihilingin pa si Megastar dahil okey na sila ni KC at kapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.
At si KC naman, kahit na hindi niya madalas na nakakasama ang kanyang amang si Gabby Concepcion, at least, puwede niya itong makita-makausap kung gusto niyang magkaroon ng father figure na kanyang makakaramay kapag malungkot siya at may problema.
Tanggapin na lang ni KC ang ganitong set-up ng kanyang pamilya. Ang mahalaga naman ay naririyan ang kanyang mom at tanggap siya ng kanyang mga half-sisters na sina Frankie at Miel. Pag-aralan niyang ilapit ang kanyang sarili sa mga kapatid upang hindi siya namumuhay na mag-isa!





Comments