top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Haping-hapi together… BEA AT VINCENT, NAGPAKITA NA IN PUBLIC BILANG MAG-ASAWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 10, 2026



BIDA - BEA AT VINCENT, NAGPAKITA NA IN PUBLIC BILANG MAG-ASAWA-FB Circulated

Photo: FB / Circulated



Nagpakita na rin in public ang mag-asawang Vincent Co at Bea Alonzo at nangyari ito sa birthday party ng owner ng Secosana. 


Ang ganda ng aura ng mag-asawa at comment ng mga fans ni Bea, masaya ang married life ng aktres at nakikita ito sa aura niya at sa ganda ng smile.


Inakala ng mga fans na pamilya ni Vincent ang kasama ng Co couple at natuwa sila dahil hindi pa uli nila nakikita na kasama ng aktres ang pamilya ng mister. 


Pero may agad naglinaw na, “Birthday ‘yun ng friend ni Bea na owner ng Secosana.”

And speaking of Bea, kahit next year pa raw ang airing ng political drama series niya sa GMA na Whispers from Heaven (WFH), tuluy-tuloy pa rin ang taping niya at ng cast. Mas swak daw na next year na ang airing ng political drama series dahil mas malapit sa 2028 elections.





MAY balitang ang susunod na collab ng ABS-CBN at GMA ay ang pagbabalik ng show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV) at sa September na raw ito mangyayari. In-announce ang tungkol dito nang mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN si Vice.


Iba-iba ang reaksiyon ng mga netizens, may natuwa at may ayaw, lalo na ang Kapamilya fans. Gusto nila sa Kapamilya channel lang lumabas ang GGV ni Vice at kung totoo man ang balitang sa GMA ang airing, hindi raw sila manonood.


May nagtanong naman kung saang time slot ilalagay ang GGV ni Vice at kung dahil ba rito ay mawawala na ang The Boobay and Tekla Show (TBATS)


May nagtanong naman kung puwede kayang mag-guest ang Kapamilya stars sa show ni Vice dahil sa GMA nga ang airing.


Tanong pa ng Kapamilya fans, puwede kayang mag-promote ang Kapamilya stars ng show nila sa GGV? Sa It’s Showtime (IS) kasi, hindi raw makapag-promote ng kanilang show ang mga ABS-CBN stars.


May nag-suggest pa na sana sa Sunday ilagay ang GGV para sunod sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ni Jessica Soho. 


Ang daming suggestions ng mga netizens. Abangan natin kung iga-grant ng ABS-CBN at GMA ang kanilang suggestions and requests.





David, pinatutsadahang ‘di okay na leading man… BARBIE, YUMABANG NA RAW DAHIL SUNUD-SUNOD ANG PROJECTS



MAINIT ang mga mata ng mga netizens kay Barbie Forteza after ng statement niya na nakakita na rin siya ng maayos na leading man sa katauhan ni Khalil Ramos sa pelikulang Saving Cherry. Nakabantay ang mga fans, lalo na ni David Licauco, sa bawat post ni Barbie sa kanyang socmed account.


Kaya ang latest post ng aktres sa X (dating Twitter) na, “Finally. I’m F***king Free,” ay binigyan na naman ng ibang kahulugan.


May nagtanong kung ang ibig daw ba niyang sabihin ay free na siya sa love team nila ni David? 


May nagpaalala naman kay Barbie to be careful with her words at may bata siyang mga fans.


Ang ibang fans, dinamdam nang husto ang statement ng aktres, naging mayabang na raw ito mula nang magkasunud-sunod ang mga projects. May nag-akusa naman sa kanyang papansin dahil hindi siya pinag-uusapan.


May sobrang galit na fans ni David ang nagsabing dumami lang ang endorsements ni Barbie dahil sa love team nila ng aktor. Natulungan daw siya ni David popularity-wise.

May mga nakisimpatya kay David, kahit daw sinabi ng aktor na hindi siya affected, alam nilang naapektuhan ito kahit papaano dahil love team nga sila ni Barbie. 


Three to four years daw tumagal ang love team nila at pareho silang nakinabang. 

Dagdag pa ng fan ni David, matalino, down to earth at mabait ang aktor at hindi ito tatagal sa showbiz kung hindi siya magaling na aktor.


Anyway, sa pagpirma ni David ng film contract sa Viva Films, mas lumabo ang chance na magtambal pa sila ni Barbie. Unless, gustuhin nang makipag-collab ng Viva sa ALV Talent Management na may hawak kay David at sa GMA Pictures.


Hindi pa uli nagkikita sina Barbie at David at waiting ang kanilang mga fans sa time na magkita o magkrus ang landas ng dalawa. Sino raw kaya ang unang babati o kaya’y magkakaroon ng dedmahan?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page